Horoscope | Abril 27, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 27, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 27, 2022 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang panalo ay para sa iyo sa bawat hamon ng kapalaran na iyong lalabanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Mas maganda kung simple lang ang gagawin mong paghiling. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-21-24-25-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo gamitin ang mga aral na nakuha mo sa karanasan ng iyong malapit na kaibigan. Malaki ang maitutulong nito sa iyo nang hindi ka matulad sa kanya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-27-30-31-38-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali dahil hindi lahat ay nakukuha sa mabilisan. Mas maingat, mas mainam. Sa pagmamadali, ang tao ay maraming nagiging pagkakamali. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-20-25-32-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Tatapang ka ngayon. Huwag mong gamitin ang iyong tapang sa pakikipag-away. Mas magandang ito ay gamitin para masimulan ang matagal mo nang balak na magnegosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-19-21-34-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kunin mo lang ang iyong kailangan. Hindi porke inaalok sa iyo ay kukunin mo na lahat. Kalabisan ang pagkuha ng hindi mo naman talaga kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-22-32-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nagbabago ang magandang takbo ng gulong ng iyong kapalaran. Ang nagbago ay ikaw na makikitang ayaw mong samantalahin ang ilang magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-15-23-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sukatin mo ang kakayahan ng tao na nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Hindi puwede na maulit ang nangyari noon na mabilis kang humanga kahit hindi mo pa alam ang tunay na pagkatao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-25-30-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw ang inspirasyon ng nangako sa sarili na magsisikap. Hindi mo siya puwedeng biguin ngayon. Mas mabuting sakyan mo lang ang kanyang mga sasabihin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-27-28-33-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Umaayon sa mga kagustuhan mo ang mga pangyayari, pero aakalain mong hindi pabor sa iyo. Hindi maganda kung huhusgahan mo ang mga kilos ng langit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-20-21-27-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magtiwala sa mga bagong kakilala. Higit na maganda kung ang mga dati at kasalukuyan mong kaibigan ang iyong paniniwalaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-28-29-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalikan ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Hindi na pinahahalagahan ng langit kung ano ka ngayon o kung mali man ang pananaw dahil hindi na maawat ang pagdating ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-22-25-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tulungan mo ang nangangailangan. Ang langit ay gaganti sa iyong kabutihan kung saan malalaking biyaya ang mapasasaiyo. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-15-23-34-42.




Comments