Horoscope | Abril 25, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 25, 2022
Sa may kaarawan ngayong Abril 25, 2022 (Lunes): Gamitin mo ang iyong taglay na mayamang imahinasyon para ikaw ay yumaman. Walang dahilan para mabigo ka dahil mayaman ang iyong kaisipan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya. Pero sa mabilisang pagkilos, kapos na kapos ka pa rin hanggang ngayon. Ngayong alam mo na ang iyong kalakasan at kahinaan, dapat alam mo na rin ang dapat gawin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-19-21-25-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka nasanay, ‘yun ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Ang anumang pagbabago ay magiging sanhi ng mahihirap na karanasan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-7-15-24-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis na pagtugon sa mga problema ang hahadlang sa pagdami ng nagbabantang pagdagsa ng mas marami pang sakit ng ulo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-19-28-30-31.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag nag-aalinlangan ka, huwag mo nang ituloy ang gagawin mo. Dahil ang nag-aalinlangan ay hindi magiging maganda ang ikikilos at mag-aaksaya lang ng panahon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-24-26-35-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag nakahanda ka na, kumilos ka. Hindi makakabuti kung ikaw ay napipilitan lamang. Dito sa mundo, ang tagumpay ay nagmumula sa ibayong paghahanda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-17-21-28-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit maganda ang mga bulaklak, nasasayang kapag hinahayaan itong malanta sa sanga. Ialay at ibigay mo nang todo ang magagandang katangian mo sa iyong sarili para ikaw ay umasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-20-28-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat masaktan dahil muli mong nagustuhan ang katangian ng taong naging bahagi ng iyong buhay. Hindi ka dapat magkamali muli. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-22-29-31-35-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi totoo na hindi matatakasan ang masungit na kapalaran. Kapag taglay ang matinding hangarin na magbago ang buhay, siya ay uunlad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-25-35-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ganito ang sabi, hindi dapat akayin ng bulag ang kapwa bulag. Huwag kang hihingi ng tulong o magpapatulong sa mga mahina. Sa halip, sa malalakas ka magpatulong. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-17-24-26-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Itaya mo ang iyong kapalaran at ikaw ay mananalo. Hindi ka dapat magpabagal-bagal dahil hinihintay ka na ng suwerte at tagumpay. Ano pa ang ginagawa mo? Taya na! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-13-15-24-39-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli kang dadayain ng minsan nang nandaya sa iyo. Mangyayari lamang ito kung hindi ka natututo. Higit sa lahat, hindi dapat kinakalimutan ang nakaraan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-14-16-29-31-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bumanat ka nang bumanat. Dahil sa panahon ng ani, hindi mo dapat sayangin ang matatamis at hinog na prutas. Labanan mo ang katamarang gustong humadlang sa mga balak mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-11-28-33-45.




Comments