top of page

Horoscope | Abril 24, 2025 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 24, 2025
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 24, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 24, 2025 (Huwebes): Patuloy na pagagandahin ng langit ang iyong buhay, kaya hindi ka na dapat mangamba. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo. Anumang isipin at planuhin mo, tiyak na matutupad at mangyayari ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-19-24-39-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon at mas liligaya ka pa ‘pag ibinahagi mo sa iba ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-24-26-43-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit pa mag-aksaya ka, liligaya ka pa rin. Mauunawaan mo na tama pala ang sinasabing wala sa materyal na bagay ang tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-14-29-32-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Maghintay ka lang at huwag kang tumulad sa iba na sobrang bibilis mainip. Muli, maghintay ka lang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-28-30-33-37.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Iniiwasan, nilalayuan at kinaaawaan ang mga taong walang pera. Ganyan kalupit ang mundo, kaya pilitin mong pagandahin ang iyong buhay upang hindi ka makaranas ng mga kalupitan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-22-27-37-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - May babalik uli sa iyo. Tanggapin at alalayan mo siya, dahil kapag ginawa mo iyon, tiyak na makakalasap ka ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-19-21-28-32-37.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, at hayaan mo naman ang mga karibal mo sa gusto nilang gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-22-27-35-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-ibig ang magpapasigla sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-20-27-30-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Inspirasyon ang magtutulak sa iyo sa mas mataas na kalagayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-15-21-25-38.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mas pinapatatag ng langit ang iyong buhay sa pamamagitan ng mga pagsubok na iyong kinakaharap. Kailangan maging matatag ka rin upang hindi masayang ang malalaking suwerte na paparating sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-11-25-31-33-35.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dito sa mundo, may patay na kaya uling mabuhay. Tulad na lamang ng namatay mong pag-ibig na muling mabubuhay ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-17-21-32-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sasaya ka ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-25-30-34-40-42.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page