top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Horoscope | Abril 23, 2022 (Sabado)

  • BULGAR
  • Apr 23, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 23, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 23, 2022 (Sabado): Masayang kilos, masayang pananalita at masayang pananaw ang sikreto ng iyong buhay. Mahirap paniwalaan, pero saya rin ang magpapayaman sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mapalad ang taong hindi mapag-alinlangan dahil mauunahan niya ang mga mabagal magpasya. Ibig sabihin, bilisan mo at mas maraming suwerte ang darating sa iyo. Isabuhay mo ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-29-30-33-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ingat ka. Huwag mong akalain na sasaya ka sa isang masayahin. May mga masayahin na sa totoo lang ay nabubuhay sa sobrang kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-22-29-34-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang totoo, ang gagawin mong mga kahilingan sa langit, kahit may pagkaimposible ay tutuparin, sumaya ka lang. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-23-25-27-34-36.

CANCER (June 21-July 22) - Gaanuman kabigat ang iyong pinapasang sama ng loob, ikaw ay sasaya pa rin dahil alam mong ang mga problema, tulad ng dati ay kusang naglalaho. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-25-28-38-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang takdang araw na inilaan sa iyo ng langit upang magbigay ka ng kahit ilang sandali para pasayahin ang mga kapus-palad. Nakahanda na rin ang mga regalo sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-24-25-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi pa darating ang hinihintay mo, pero ang darating sa iyo ay lihim na inutusan ng langit na alalayan ka sa bawat gusto mong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-25-27-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pag-aralan mong maging mapagparaya dahil ang sobrang mahigpit ay nilalayuan, hindi dahil ayaw na kundi dahil nahihirapan na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-23-28-35-38-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumunod ka sa payo ng mga nauna sa iyo. Ito ay para makaiwas ka sa naranasan nilang hindi maganda. Tamang-tama ang payong ito para sa pinasok mong negosyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-20-21-27-28-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap paniwalaan na kapag nabawasan ang kabuhayan, lalo itong dumarami. Mangyayari ito sa buhay mo dahil ang mababawas sa iyo ay mga pabigat lamang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-15-29-35-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magugulat ang mga naghahangad na mabigo ka dahil ang mabibigo ay sila at ang ilang tinatamasa nilang ligaya ay mauuwi sa kalungkutan, habang ikaw ay patuloy na sasaya at lalo pang susuwertehin. Ito ang pasya ng langit na hindi na magbabago kailanman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-11-14-16-28.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka maaawat sa gusto mong gawin. Makakahanap ka pa ng paraan para lalo kang sumaya at suwertehin. Hindi ka rin aawatin ng langit dahil kailangan mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-18-20-21-25.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang araw kung kailan kapag tinalo mo ang iyong kaduwagan, ang malalaking suwerte ay dadapo sa iyong kapalaran. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet . Tips sa lotto-18-22-26-38-39-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page