top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Abril 21, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Apr 21, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Abril 21, 2022


Sa may kaarawan ngayong Abril 21, 2022 (Huwebes): Itinalaga ka para sa matataas na puwesto. Hindi puwede sa iyo ang matagal at mahabang pananatili sa ibaba. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na ang nagtatampo ay manatiling malayo ang loob sa iyo. Mahirap maghanap ng mga mapagkakatiwalaang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-18-20-24-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Labanan mo ang gustong tumalo sa iyo at ito ay ang kawalan ng ganang maghanapbuhay. Hindi puwede na wala kang ginagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-18-19-23-28.

GEMINI (May 21-June 20) - Bibilis ang iyong pag-asenso at walang puwedeng humadlang. Ang sinumang magtatangka ay makakabangga ang langit. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-15-26-33-39.

CANCER (June 21-July 22) - Pabugso-busgo ang ihip ng sariwang hangin. Magpasalamat ka dahil ang mga suwerte mo ay ganundin — pabigla-bigla man ang dating, saya pa rin ang sa hatid nito sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-22-28-36-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Makikitang lumalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Hindi ito maganda at ito rin ay puwedeng maging sanhi ng iyong malaking pagkakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-26-38-40-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aangat ka nang aangat kahit wala kang ginagawa. Ito ay bunga ng paghanga sa iyo ng mga nasa paligid mo dahil sa nakaraang desisyon mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-15-17-21-27-39-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ididikit ka ng iyong kapalaran sa mga may sinasabi, angat sa kabuhayan at puwedeng magbigay sa iyo ng sarap sa buhay. Nasa iyo ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-24-26-34-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi masama ang magsaya, pero ang labis na paggastos sa pagsasaya ay hindi maganda. Kontrolin mo ang iyong sarili nang hindi maapektuhan ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-13-29-30-34-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling bumabalik ang masusuwerte mong araw. Ngayon mo na simulan ang iyong mga plano na hindi mo nagawa dahil takot kang mabigo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-13-18-26-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Titigan mo ang bughaw na kalangitan. Ito ay nagpapaalala na ang iyong kapalaran ay papalayo na sa mga bagyo at unos ng buhay at ito ay papalapit na sa maaliwalas at sobrang suwerteng karanasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-24-31-33-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Narinig mo ba na ngayon ay nagpapatuloy ang pagdating mga ibon na naglalakbay mula sa malayo? Ito ay nagsasabing makikinabang ka sa mga dayuhang magiging kaibigan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-15-29-30-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit kumukulimlim ang panahon sa nakaraang mga araw, muling iinit ang kapaligiran. Marami na naman ang tatamaring maghanapbuhay, ngunit ‘wag mo silang tularan. Higit kailanman, ngayon mo dapat itodo ang pagsisikap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-14-26-37-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page