top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Abril 10, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 10, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 10, 2021



Sa may kaarawan ngayong Abril 10, 2021 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte, tamarin ka man o maging masipag ka. Ito ay ginagarantiyahan ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mong kakayahan. Ang mga nagpapayo sa iyo ay pakinggan mo pero higit mong paniwalaan ang sarili mong galing at husay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-14-19-20-24.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Marami ang manghihimasok sa buhay mo. Para hindi sumakit ang ulo mo, magkunwari kang nakikinig pero huwag mo pa rin silang sundin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-18-23-38-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsaya ka dahil isinilang ka para magsaya. Pero paghandaan mo pa rin ang iyong kinabukasan nang sa gayun ay hanggang sa huli, masaya ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-24-25-41-43.


CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang sinumang magtangkang bigyan ka ng kalungkutan, mismong langit ang kanilang makakalaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-22-25-34-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga taong negatibo. Agad mong layuan ang mga ito dahil masisira lang nila ang magandang diskarte na iyong ginagawa sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-19-27-31-33-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Itago mo ang iyong ibang galing dahil may magtatangkang kopyahin ang mga ideya mo. Baka maunahan ka at sila ang agad na yumaman. Kaya dapat lang na pagdamutan mo sila ng iyong mga nalalaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-35-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mong pasayahin ang iyong sarili. Tulad ng nakaraan, pinasaya mo ang mga tao pero sila naman ay hindi gumagawa ng paraan para ikaw ay pasayahin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-23-31-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsuot ka ng masaya at sasaya ka. Magsuot ka ng kupas at mababawasan ang sigla mo. Mas magandang ang isuot ay ang magbibigay sa iyo ng lakas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-24-30-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magtira ka kahit kaunti para sa iyong kinabukasan. Ito ang susi ng pagpapayaman na kahit nagsasaya ay nakakapaghanda sa kinabukasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-26-30-36-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi nawawala ang Haring Araw kahit madilim ang kalangitan. Hindi rin nawawala ang mga suwerte mo kahit dumadaan ka sa mabibigat na pagsubok ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-19-20-21-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang matakot makipagsapalaran. Ang totoo, ikaw ay ipinanganak na punumpuno ng pakikipagsapalaran sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-25-26-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Samantalahin mo ang araw na ito at ang mga araw pang darating kung kailan magagawa mong dagdagan pa ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-16-18-22-25-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page