top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | Abril 09, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 9, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| April 09, 2021



Sa may kaarawan ngayong Abril 9, 2021 (Biyernes): Ang panalo laban sa hamon ng iyong kapalaran ay mapasasaiyo. Kaya bakit mo aatrasan ang mga hamon ng iyong buhay



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hindi makakaporma ang mga karibal mo at kahit magpumilit sila, langit ang kanilang makakabangga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-20-23-29-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung sino ang may tapang sa araw na ito, reregaluhan ng langit ng naglalakihang suwerte sa buhay. May tapang ka ba? Dapat mayroon ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-15-24-28-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Sugurin mo ang iyong pangarap, pero dalhin mo ang talas ng iyong isip. Hindi tama na ang tao ay sugod nang sugod na ang akala ay sapat na ang positibong pananaw para magtagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-19-20-21-26-38.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka mahina, ikaw ay malakas. Ang totoo, sa mga araw na ito, kapag ipinakita mo na ayaw mo sa isang pangyayari, makatitiyak kang magtatagumpay ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-26-29-30-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang na kumilos nang kumilos ang mga kontrabida sa buhay mo. Kahit anong pagkilos nila, iisa lang naman ang kauuwian — mawawalan ng saysay ang lahat ng kanilang kilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-23-39-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kailan ka kikilos, puro ka na lang ba plano? Naghihintay ka ba ng senyales mula sa langit? Lahat ng tanong mo, hindi makagaganda para sa iyo, kaya mas mahalaga na kumilos ka na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-20-36-40-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang takbo ng kapalaran mo dahil kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang ibibigay sa iyo. Mag-ingat ka sa pagsasabi ng ayaw mo. Ito ang mensahe para sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-14-27-31-33-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumabas ka sa iyong silid, ibig sabihin, makihalubilo ka sa mga tao. Ang kaligayahan ay wala sa pag-iisa dahil ito ay makukuha mula sa pakikipagkaibigan at pagsasaya kasama sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-21-25-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap paniwalaan ang sikreto kung paano lalapit sa iyo ang mga suwerte. Mag-utos ka at hindi ikaw ang dapat utusan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-20-26-35-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maaawat ang iyong sarili na kumontra sa matagal nang akala ay sunud-sunuran ka lang. Huwag mong akalain na ito ay gabay ng kapalaran dahil ito ay tiyak na mangyayari. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-30-31-30-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magagawa mo ang bawat salitang bibitawan mo. Kaya ang nag-aakalang puro ka lang salita ay magugulat at hindi makakapaniwala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-23-27-39-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit paisa-isa, humakbang ka. Hakbang lang nang hakbang at huwag mong kalimutan na ang libong hakbang para sa kaunlaran ay nagsisimula lamang sa paisa-isang hakbang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-23-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page