Hiwalay sa misis, may chance na makapag-asawa ulit
- BULGAR
- Apr 17, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | April 17, 2023
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil sa problema ko sa pag-aasawa. Ang totoo nito, matagal na akong hiwalay sa una kong asawa, apat na taon nang nakakaraan at ngayon, may ibang lalaki nang kinakasama ang misis ko.
Gusto kong malaman kung makakapag-asawa pa ba ako? Mayroon kasi akong nililigawan ngayon na mas matanda sa akin nang tatlong taon, siya na ba ang ikalawang mapapangasawa ko at makakasama habambuhay?
November 13, 1985 ang birthday niya, habang July 10, 1988 naman ang birthday ko.
Compatible ba kami at kung sakaling maging girlfriend ko siya—dahil nararamdaman kong parang may gusto na rin siya sa akin—kami na ba ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay?
Umaasa,
Rod ng San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya
Dear Rod,
Ang birthday mong 1, sa destiny number na 7 (7+1+1988=1996/ 19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7) at zodiac sign na Cancer, habang ang ang nililigawan mong babae ay nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio sa birth date na 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4) at destiny number na 2 (11+13+1985=2009/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+1=2) ay nagsasabing, sadyang compatible kayo ng babaeng napupusuan mo.
Una, sa pag-aanalisang Western Astrology, walang duda na tugma kayo dahil ang zodiac sign mong Cancer at Scorpio naman ang nililigawan mo ay kapwa nagtataglay ng elementong water o tubig. At dahil pareho kayong tubig o water, compatible talaga kayong dalawa.
Pangalawa, sa pag-aanalisang Numerology ay ganundin, ang birth date mong 1 at destiny number 7 na may kaakibat na planetang Sun at Neptune ay tugma rin sa birth date na 13 o 4 na may planetang Uranus at destiny number na 2, na may planetang Moon ng babaeng nililigawan mo.
Ang inyong mga palanetang Sun, Neptune, Uranus at Moon, ay suweto o tugma ring pagsamahin upang makabuo ng maunlad at maligayang pamilya habambuhay.
Ibig sabihin, sa pagsusuring Astro-Numerology, tunay na tugma kayo ng babaeng napupusuan mo.
Kaya sa malapit na hinaharap, tama ang kutob mo, hindi malayong sagutin ka na niya at maging girlfriend mo siya, hanggang sa tuluyan na kayong makabuo ang maligaya at panghabambuhay ng relasyon.
Ayon sa iyong Love Calendar, ang naturang pakikipagrelasyon ay nakatakdang maganap ngayong 2023 at sa edad mong 35 pataas, habang 38 naman ang babaeng nililigawan mo. Gayundin, sa nasabing panahon ang naturang babae ay tuluyan mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.



Comments