Hiwalay sa kani-kanyang asawa… Magdyowang itinadhanang magsama habambuhay
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 19, 2023
Dear Maestro,
Hiwalay ako sa aking asawa at mayroon akong nobyo ngayon na hiwalay din sa kanyang misis. Maestro, nais kong malaman kung kami na ba ang nakalaan para sa isa’t isa at magiging okey din ba ang aming pagsasama at panghabambuhay na ba ito?
November 4, 1993 ang birthday ko, habang March 16, 1992 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Clarissa ng Rizal, La Paz, Tarlac
Dear Clarissa,
Ayon sa zodiac sign mong Scorpio at Pisces naman ang boyfriend mo, sadyang compatible kayo dahil ang inyong mga zodiac sign ay may iisang elemento na tinataglay — ang tubig o water.
Gayunman, ayon sa pag-aanalisang Astrology, tulad ng nasabi na, compatible kayo ng kasalukuyang boyfriend mo.
Samantala, sa pag-aanalisang Numerology, ang birth date mong 4 at 16 o 7 naman ang boyfriend mo (ang 16 ay 1+6=7) ay tugma rin sa isa’t isa, dahil maraming isinilang sa petsang 4, 13, 22, at 31 na sadyang nakakatuluyan ang mga isinilang sa petsang 7, 16 at 25. Sa madaling salita, malaki ang tsansa na kayo na ang magkatuluyan ng nobyo mo.
Dagdag pa rito, ang destiny number mong 1 (ang November 4, 1993 ay kinokompyut ng ganito: 11+4+1993=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1), tugma rin kayo sa destiny number na 4 ng boyfriend mo. Naging 4 ang destiny number ng boyfriend mo, dahil ang birthday niyang March 16, 1992 ay kinokompyut ng ganito: 3+16+1992=2011/ 20+11=31/ 3+1=4. Ang pagsasama ng numerong 1 at 4 ay tulad ng numerong 4 at 7 na swak para sa isa’t isa.
Hindi lang kayo sa Numerology compatible kundi maging sa Astrology din. Ibig sabihin, kung patuloy kayong magmamahalan, tiyak na kayo na ang itinakda ng tadhana upang magsama habambuhay sa pagbuo ng maligayang pamilya, na maaaring maganap ngayong 2023, at sa edad mong 30, habang 31 naman ang boyfriend mo.




Comments