Hiwalay na after 3 yrs... KLEA KAY KAT: KAHIT ANO'NG MANGYARI, ‘DI MAWAWALA ANG PAGMAMAHAL KO SA ‘YO
- BULGAR

- Jul 21
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 21, 2025
Photo: Kat at Klea Pineda - IG
Sa Instagram (IG) post ng Kapuso actress at model na si Klea Pineda ay kinumpirma niyang hiwalay na sila ng kanyang partner na si Katrice Kierulf.
Saad ni Klea sa post niya, “Maiksing panahon ang ibinigay sa atin pero masasabi ko na naging masaya ako sa tatlong taon ng buhay ko na ‘yun kasama ka.
“Yes, Kat and I decided to end our relationship. Masakit, mahirap. Masyadong maganda ang samahan namin, pakiramdam ko parang hindi lang tatlong taon ‘yung samahan namin sa dami ng nangyari. “Kadamay ko s’ya sa lungkot, nand’yan s’ya sa tabi ko ‘pag masaya, kasama ko s’ya sa gitna ng kaguluhan, at higit sa lahat, s’ya ‘yung taong minahal ako sa mga panahon na hindi ko kayang mahalin ang sarili ko.
Naging inspirasyon at lakas ko sa mga laban sa buhay.
“Saksi kayong lahat ng sumusuporta sa akin at kay Kat kung gaano kami kasaya ‘pag magkasama. Nakita at naramdaman n’yo naman kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Maraming salamat sa inyo.
“Sa pamilya ko na alam kong nasasaktan din sa nangyari, alam ko na itinuring ninyo na rin na parang anak si Kat, sa loob ng tatlong taon na ‘yun. At higit pa sa pasasalamat ang gusto kong sabihin sa inyo sa pagtanggap sa kanya at sa aming dalawa ng buong-buo.
“Nilaban naman namin hangga’t sa aa namin, sinubukan naman naming ayusin. Tumatanda na tayo at may mga bagay na mas kailangang unahin o bigyan ng pansin. Kinailangan na lang talaga tanggapin na wala na kaming magagawa kundi tapusin na lang talaga ang relasyon namin.
“To Katrice, naging masaya naman tayo, ‘di ba? Napakarami nating magagandang nagawa magkasama at pagsubok na nalagpasan na hindi ko gugustuhing kalimutan kahit kailan. Nakatatak lahat ‘yun sa puso at isip ko.
“Napakarami kong dapat ipagpasalamat sa ‘yo, Kat. Lagi mong tatandaan na nakasuporta pa rin ako sa ‘yo kahit ano’ng mangyari. Tatlong taon na punong-puno ng pagmamahal. Hindi ko alam kung suwerte ba ako dahil nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko o malas kasi binigay ka nga sa akin pero may hangganan din naman.
“Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin, Kat. Lagi mong tatandaan na kahit ano’ng mangyari, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa ‘yo.”
Marami sa mga netizens ang nalungkot sa ibinahagi ni Klea. Gayunpaman, marami pa rin ang nagmamahal sa kanila ni Katrice.
Paalala lang sa mga taong naghihiwalay na magkarelasyon, “Just because a relationship ends, doesn’t mean two people stopped loving each other. They just stopped hurting each other.”
Pak, ganern!
MAY nakakaaliw na eksena na naman ang pamilya Daez. Sa Instagram (IG) post ng aktor na si Mikael Daez ay nagbahagi siya ng video clip kasama ang asawang aktres na si Megan Young at ang kanilang only baby.
Sa video ay makikita na nagtatanong si Mikael kay Megan — habang karga ng misis ang baby nila — kung may food daw ba, at sinagot naman ni Megan ng “Nasa refrigerator,” kaya binuksan agad ni Mikael ang ref.
Ang siste, pagbukas ng ref, puro may malunggay na pagkain sa loob, tulad ng adobo with malunggay at malunggay cookies.
Kaya naman nagtanong ulit si Mikael kung may iba pa bang food at sinagot naman ni Megan ng “Check the pantry.”
Pagbukas ni Mikael ng pantry, ang nakita naman niya ay malunggay bread at malunggay chips.
Kaya naman, magkakape na lang sana si Mikael. Nu’ng kukuha na siya ng kape, ang nakita niya ay malunggay tea at malunggay na kape.
Ang ending, maliligo na lang siya. Pagbukas ng pinto ng banyo nila, makikita naman ang malunggay toothpaste at malunggay soap.
Umiiling na lang tuloy ang Kapuso actor.
Ano kaya ang dahilan at lahat ng food nila ay may kasamang malunggay?
Well, ito naman pala ang simpleng dahilan bakit malunggay is life sa pamilya Daez.
Saad ni Mikael sa post niya, “Malunggay with everything is life (face with raised eyebrow, smiling face with sweat, red heart emoji). S’yempre, support lang tayo para mas lalong maging productive ang milk factory ni Bonez.
“And in reality, it’s amazing how many things you can try to stimulate breastmilk supply.
“Malunggay supplements, milking cookies, prayers, massages, atbp. What are your favorite breastmilk supply supplements/routines?”
Marami namang netizens ang pinusuan ang post ni Mikael at natuwa sa pagiging “Malunggay with everything is life.”
Siguradong lulusog si Megan sa pagkain ng malunggay. Ang dami kayang nutrients ang makukuha sa malunggay tulad ng Fiber, Calcium, Iron, Protein, Vitamin A, B, C at E, at Potassium.
Oh, mga bagets, kain na ng malunggay.
Pak, ganern!










Comments