Hirit, sablay daw… PAGPAPA-BANNED NI SEN. JINGGOY SA MGA K-DRAMA, SINOPLA NINA CHITO AT POKWANG
- BULGAR
- Oct 21, 2022
- 2 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 21, 2022

Nag-react ang ilang celebrities sa naging pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada na minsan ay pumapasok sa kanyang isip na ipa-banned sa 'Pinas ang mga telenovela ng mga foreigners.
Kabilang ang komedyanang si Pokwang at isa sa mga hurado ng ABS-CBN’s Idol Philippines na si Chito Miranda sa mga naglabas ng saloobin sa kanilang Twitter accounts.
Para kay Chito, ‘di solusyon ang pagba-banned sa mga foreign shows especially ang K-drama.
Tweet ni Chito, “Foreign shows or acts is not the solution for the lack of support towards local shows and artists. Coming up with better shows and songs, is. As artists, kailangan lang nating galingan mas lalo para sabay tayo sa foreign acts. "Earn" the support. 'Di puwedeng sapilitan.”
Inisa-isa rin ni Chito ang mga Pinoy artists na very successful ang career sa kabila ng pamamayagpag ng foreign acts sa bansa sa kanyang sumunod na tweet.
Ayon kay Chito, “Sold-out po ang Eheads. No. 1 ang Doll House sa Netflix. Laging trending ang SB19. Nakikipagsabayan sina Moira at Ben&Ben sa mga foreign acts sa Spotify charts dito sa 'Pinas. Pinoys will support local artists, regardless of the accessibility of foreign options, basta magaling.”
Nagpasalamat naman si Pokwang sa ipinakitang concern ni Sen. Jinggoy para sa mga manggagawang Pinoy sa local TV and movie industry, pero may suhestiyon siya.
“Maganda naman po ang inyong hangarin, senador, na mabigyan kaming mga local artists ng trabaho. Salamat po…pero imbes na i-ban ang mga Koreanovela, gayahin natin sila na suportado ng gobyerno ang bawat proyekto nila at ang buong industriya nila.
#kungpwedelangnaman,” himutok ni Pokwang.
Sinang-ayunan ng mga netizens ang mga suggestions nina Pokwang at Chito.
"Yessss. Look at the concerts of SB19. Pinoy will support local artist basta magaling! Sabi nga ni Chito, earn the support, 'di puwedeng sapilitan.”
“Sana all artists may utak like you, Mamang.”
“Tama ka po, Mamang, dapat talaga, 'yung quality ng gawang Pinoy ang pagtuunan ng pansin kasama na ang suporta ng gobyerno.”
“Suporta mula sa gobyerno para sa mga artista, 'di ba, ang dami nating nagkalat na artista sa Senado???”
Bukod sa mga “nagkalat” na artista sa Senado, nand’yan din ang newly appointed Presidential Adviser on Creative Communications na si Direk Paul Soriano.
Beke nemen puwede rin siyang maging “bridge” na magbigay ng support from the government funds sa sinasabi ng iba na “dying entertainment industry” natin.
Comments