Hirit ni Spox Harry Roque na dedmahin na lang ang “Manila province of China”, sablay!
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 22, 2020
SI NINOY NA BINABALAHURA NG MGA DDS, BINIGYAN PARANGAL NI P-DUTERTE—Nakiisa si P-Duterte sa pagbibigay parangal at paggunita sa selebrasyon ng Ninoy Aquino Day kahapon.
Sakit sa damdamin ito ng mga DDS kasi si Ninoy na kanilang binabalahura sa social media ay binibigyan ng parangal ng Pangulo, boom!
◘◘◘
SABLAY ANG STATEMENT NI ROQUE NA DEDMAHIN NA LANG ANG “MANILA PROVINCE OF CHINA”—Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, huwag na raw pansinin ang produktong gawa ng China na may tatak na Manila Province, P.R. China kasi wala namang naniniwala na probinsiya ng China ang Pilipinas.
Sablay ang statement na ‘yan ni Roque dahil bilang presidential spokesman, dapat isa siya sa mga nagpapakita ng galit kasi pang-iinsulto ito sa Pilipinas, pero imbes na magalit, eh, para sa kanya, dedmahin na lang daw ang isyu, buwisit!
◘◘◘
SA PANAHON NG KRISIS, DAGDAG-PAHIRAP SA MOTORISTA ANG TOLL FEE SA EDSA—Plano ng Department of Transportation ay maningil ng toll fee sa mga motoristang dadaan sa EDSA at sa pamamagitan daw nito ay maiibsan ang buhul-buhol na daloy ng trapiko sa national highway.
Talagang sa panahon pa ng krisis nila naisip ang dagdag-pahirap na ‘yan sa mga motorista, ha? Pwe!
◘◘◘
IMBES NA BIGYAN ANG MGA WALANG FACE MASK, GUSTO NI DILG USEC. DINO, IKULONG!—Nais ni Usec. Martin Dino ng Department of Interior and Local Government for Barangay Affairs na ikulong ng 30-araw ang mga taong mahuhuling walang suot na face mask.
Ganu’n? Pambihira, imbes na bigyan ng gobyerno ng face mask ang walang suot nito dahil baka wala itong pambili, eh, ikukulong pa ng isang buwan, buwisit!





Comments