top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hirit ni Sen. Robin na gawing 54 ang Senador, pabor sa trapo, pahirap sa publiko!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 17, 2023


TAMA SI SEN. IMEE, DAPAT MAGPOKUS ANG KONGRESO KUNG PAANO MAIBSAN ANG GUTOM NG MAMAMAYAN AT ISANTABI NA ANG CHA-CHA -- Panawagan ni Sen. Imee Marcos sa Kongreso na isantabi na ang isinusulong nilang Cha-cha (Charter Change) at mas atupagin ang paggawa ng solusyon para maibsan ang nagugutom na sikmura ng mamamayan.

 

Sana, pakinggan ng mga kongresista ang panawagang ito ni Sen. Imee dahil hindi talaga katanggap-tanggap sa publiko na mas nagpopokus ang Kongreso sa Cha-cha kaysa tutukan ang paggawa ng mga batas kung paano mapapababa ang presyo ng mga produktong pagkain, period!

◘◘◘

 

PANUKALA NI SEN. ROBIN PADILLA NA DAGDAG-30 SENADOR PABOR SA MGA TRAPO -- Pinutakti nang batikos sa social media si Sen. Robin Padilla dahil sa mungkahi niya na mula sa dating 24 na senador, ay dapat daw gawin na itong 54 senador.

 

Hay naku, imbes gumawa si Sen. Robin ng mga batas para sa kapakanan ng bayan at mamamayan, eh ang ipinanukala ay magdagdag pa ng 30 senador na malinaw na ito ay para sa kapakanan ng mga trapo (traditional politicians) na nais maging miyembro ng Senado, buset!

◘◘◘

 

DAGDAG-PAHIRAP SA MAMAMAYAN ANG DAGDAG-30 SENADOR -- Ang pagdaragdag ng 30 senador sa bansa ay dagdag-pahirap sa mamamayan.

 

Kaya natin nasabing dagdag-pahirap ay dahil tiyak magtataas na naman ang presyo ng mga bilihin at bayarin para makalikom ng malaking tax ang pamahalaan na ipampapasuweldo sa karagdagang 30 senador, boom!

 

◘◘◘

 

DAPAT ULTIMO SINGKONG PERA NG BAYAN NAKA-PROGRAMA KUNG SAAN GAGASTAHIN KAYA MALI NA ANG P731 B ILAAN NG MALACAÑANG BILANG ‘UNPROGRAMMED FUND’ -- Ibinulgar ni Senate Minority Leader, Sen. Koko Pimentel na mula sa dating P281 billion “unprogrammed fund” ng Marcos administration, ay lumaki pa ito at sa ngayon daw ay nasa higit P731 billion na ang “unprogrammed fund” ng pamahalaan, at ayon sa senador ay kukuwestyunin niya ito sa Supreme Court (SC) upang ideklara itong unconstitutional.

 

Tama ang desisyon ni Sen. Koko na kuwestyunin ito sa SC kasi dapat ultimo singkong pera ng bayan ay dapat nakaprograma kung saan ito gagastahin, kaya’t mali talaga na ang ganyan kalaking halaga, P731B ay “isubi” o “itabi” ng Malacañang bilang “unprogrammed fund”, period!

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page