top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hirit ni Sen. Cynthia Villar: malabong mangyari ang P20 per kilo ng bigas

BULGAR
Aug 7, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 7, 2022


SI SEN. CYNTHIA VILLAR NA ANG NAGSABI, IMPOSIBLENG MAGING P20 PER KILO NG BIGAS—Mismong si Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food na ang nagsabi na dahil pumapalo na sa P11.50 ang per kilo ng palay, imposibleng mangyari ang ipinangako ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na gagawin niyang P20 per kilo ng bigas.


Dahil sa sinabing ni Sen. Cynthia, huwag umasa ang mga Pinoy na magiging P20 per kilo ang bigas sa ilalim ng Marcos administration!


◘◘◘


TODO-KUWESTIYON ANG COA KASI MAY 'NAAMOY' SIYANG ANOMALYA SA DEPED—Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang sobrang mahal na pagkakabili ng Department of Education ng mga laptop na ipinagamit sa mga guro para sa distance learning at ang paggasta ng departamento ng higit P4.5 bilyon para sa Basic Education Learning.


Malamang ay may "naaamoy" na anomalya ang COA sa mga isyung 'yan kaya todo-kuwestiyon sila ngayon sa mga opisyal ng DepEd.


◘◘◘


DAPAT MAGPAKITANG-GILAS NA ANG ECONOMIC TEAM NI P-BBM DAHIL PATULOY ANG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN—Mula sa dating 6.1% inflation rate noong June 2022, pumalo sa 6.4% ang inflation rate sa bansa nitong nakaraang buwan ng July, na ang ibig sabihin ay mas nagmahal pa ngayon ang presyo ng mga bilihin at bayarin.


Dapat magpakitang-gilas ang economic team ni P-BBM kung paano mahahadlangan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin kasi sa totoo lang, hindi gumaganda, kundi pahirap nang pahirap ang nagiging buhay ng mamamayan sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page