Hirit ni ex-P-Duterte, naghahangad ng P20 bigas, nananaginip nang gising, P-BBM sapul
- BULGAR
- Sep 8, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 8, 2023
KAPAG BUDGET PANG-EDUKASYON ANG PINADADAGDAGAN, AYAW IBIGAY NG GOBYERNO, PERO KAPAG CONFI AT PORK BARREL FUNDS NG MGA TRAPO BIGAY NANG BIGAY -- Mula sa dating P2.9 billion budget ngayong 2023, ang proposed budget ni Philippine Science High School (PSHS) Executive Director Lilia Habacon para sa year 2024 ay P4.2 billion dahil marami raw kasing batang mag-aaral ang nais mag-aral sa PSHS na mas kilala sa tawag na "Pisay."
Ang masaklap, imbes ibigay ang proposed budget ng PSHS, ay ‘yung dating P2.9-B budget nito ay binawasan pa ng P200 million, kaya’t next year, ang budget na lang ng “Pisay” ay P2.7-B.
‘Yan ang malungkot na nangyayari sa ‘Pinas, na ang proposed budget para sa edukasyon ng mga batang mag-aaral ay ayaw ibigay, sa halip binabawasan pa. Pero, kapag para sa confidential at pork barrel funds ng mga trapo (traditional politicians), bigay nang bigay ang gobyerno, tsk!
◘◘◘
HINDI MAN PINANGALANAN, WARING SI P-BBM ANG PINATAMAAN NI EX-P-DUTERTE NA ‘NANANAGINIP NANG GISING’ SA P20 PER KILO NG BIGAS -- Sabi ni ex-P-Duterte, “nangangarap daw nang gising” ang mga naghahangad na maging P20 per kilo ang presyo ng bigas sa bansa.
Wala mang pinangalanan, walang duda na si Pres. Bongbong Marcos ang pinasasaringan dito ni ex-P-Duterte, kasi siya (P-BBM) lang naman ang nagpramis sa publiko noong 2022 elections campaign period na kapag naging presidente raw siya ay magiging P20 na per kilo ng bigas sa ‘Pinas, boom!
◘◘◘
ORDINARY CITIZENS NABUBUSOG KAHIT WALANG ULAM, PERO MGA ‘BUWAYANG TRAPO’ WALANG KABUSUGAN – Bagama’t may mga rice retailers na sumunod sa direktiba ni P-BBM na ibenta ng P41 per kilo ang regular milled rice at P45 per kilo ang well-milled rice ay kakaunti lang sa mamamayan ang bumili sa bigas na P41-P45 per kilo dahil ayon sa mga mamimili ay may amoy at masama raw ang lasa ng mga ganitong uri ng bigas, kaya mas binili pa rin nila ang mga bigas na P50 pataas ang per kilo, kasi kahit wala raw ulam, o asin ang iulam dito ay masarap daw kainin.
‘Yan ang mga ordinary Pinoy citizens, na sa panahon ng krisis basta’t masarap ang kanin ay nabubusog pa rin kahit wala silang ulam, pero ang mga buwayang trapo (traditional politicians), matakaw at walang kabusugan, nakaw pa rin nang nakaw sa kaban ng bayan, mga buset!
◘◘◘
MAGAWA KAYANG IPA-TOKHANG NI NEW CAVITE PD COL. RICARDO SI ‘TSAN PARAK’ NA UNTOUCHABLE TONGPATS COLLECTOR? -- Bago na ang police provincial director ng Cavite, at siya ay si P/Col. Eleuterio Ricardo.
D’yan sa Cavite, kahit sinong maging PD ay “nganga” lang sa raket na tongpats collection ng nagpapakilalang pulis na si alyas “Tsan Parak” sa mga ilegalista sa lalawigang ito.
Tingnan nga natin kung kayang ipa-“tokhang” ni new Cavite PD Col. Ricardo ang untouchable “tongpats collector” na si “Tsan Parak”, abangan!





Comments