Hirit ni ex-DepEd Sec. Armin Luistro, 6 years siyang Sec. ng DepEd nang walang confi funds
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 4, 2022
KINUMPIRMA NI FORMER DEPED SEC. LUISTRO NA SA 6 YEARS, HINDI SIYA HUMINGI NG CONFIDENTIAL FUND—Nagpalabas ng statement si dating Department of Education Sec. Armin Luistro na sa loob daw ng anim na taon niyang panunungkulan bilang DepEd sec. sa ilalim ng administrasyon ni yumaong dating Pres. Noynoy Aquino ay wala siyang confidential fund, hindi siya nanghingi ng confidential fund dahil hindi ito kailangan dahil ang DepEd ay dapat nakatutok sa edukasyon at hindi magsagawa ng surveillance sa masasamang elemento ng lipunan at alam din ng publiko na si dating Vice-Pres. Leni Robredo ay wala rin confidential fund.
'Yan, ha, mismong dating DepEd sec. na ang nagsabi niyan, pero ewan ba kay Vice-Pres. DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio kung bakit gusto niya, bukod sa may P500 million confidential fund na siya sa OVP (Office of the Vice President), gusto niya ay may P150 million confidential fund din siya sa DepEd!
◘◘◘
DAGDAG-DUSA ANG DAGDAG-PASAHE NA IBINIDA NG LTFRB—Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, na start na ang dagdag-pasahe sa lahat ng public transport sa bansa.
Kumbaga, ibinida na ng LTFRB na umpisa na ang dagdag-dusa sa mga komyuter.
◘◘◘
1 GENERAL AT 3 COLONELS, DEDMA SA 'ONE-TIME BIGTIME OPERATIONS' ORDER NG PNP CHIEF—May utos si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin sa kapulisan na magsagawa ng "One-time Bigtime Operations" laban sa mga gambling lords, pero sa kabila ng kautusang ito ng PNP chief ay walang nanghuhuli sa raket na drop balls at color games nina "Herson" at "Vangie" sa Invat, Nueva Vizcaya at Cabauatan, Isabela at sa raket na dice ni "Elmo" sa Tuguegarao City, Cagayan.
Naku, kapag nalaman ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin na dedma lang sa "One-time Big-time Operations" sina PNP Region 2 Director, Gen. Steve Ludan, Nueva Vizcaya PNP Director, Col. Dante Lubos, Isabela PNP Director, Col. Julio Go at Cagayan PNP Director, Col. Julio Gorospe, baka malintikan sa kanya ang mga police officials.
◘◘◘
KAILAN MAGSASAGAWA NG 'ONE-TIME BIG-TIME OPERATIONS' ANG MPD LABAN KINA 'BOY ABANG' AT 'LORNA'?—Nang maglunsad ng "One-time Big-time Operations" ang PNP laban sa illegal gambling ay nagtiklupan ang karamihan sa mga gambling lords sa Metro Manila, maliban sa bookies nina "Boy Abang" at "Lorna" sa Maynila.
Ang tanong: Kailan kaya magkakaroon ng "One-time Bigtime Operations" ang Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni Gen. Andre Dizon laban sa raket nina "Boy Abang" at "Lorna"?





Comments