Hirit ni Diokno na aksaya lang ang free college education, sablay!
- BULGAR
- Sep 23, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | September 23, 2023
SEC. DIOKNO, MAINIT SA FREE COLLEGE EDUCATION, HINDI SA ‘CONFI FUNDS’ NG MGA TRAPO -- Nang sabihin ni Finance Sec. Benjamin Diokno na wasteful o aksaya lang sa pera ng bayan ang free college education ay nakatikim siya ng pambabatikos mula sa publiko at sa social media.
Mababatikos talaga si Diokno, kasi imbes na ang confidential funds ng mga trapo (traditional politicians) ang sabihin niyang wasteful o aksaya lang ito sa pera ng bayan, eh ang napagdiskitahang puntiryahin ay ang free college education sa bansa, tsk!
◘◘◘
RAIDS NG DA AT CUSTOMS SA MGA BODEGA NG RICE HOARDERS, PABIDA LANG? -- Ipinagtaka ni Sen. Chiz Escudero na sa kabila na napakaraming ni-raid na bodega na may mga nakaimbak na libu-libong sako ng bigas, kahit isa ay wala pang sinasampahan ng kaso ang Dept. of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC).
Oo nga ‘no! Dapat kasi pagka-raid ay sinampahan na agad ng kaso ang mga rice hoarders.
At dahil wala pang kinakasuhan, lumabas tuloy na pabida lang sa publiko ng DA at Customs ang ginagawa nilang raid sa mga bodega ng mga rice hoarders, boom!
◘◘◘
DAPAT IPASA NA AGAD NG MGA SEN. AT CONG. ANG PARUSAHANG HABAMBUHAY KULONG SA MGA SMUGGLERS AT HOARDERS -- Nais ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay patawan ng parusang habambuhay na pagkabilanggo ang mga smugglers at hoarders sa Pilipinas.
Sana, maipasa na agad ng mga senador at kongresista ang batas na magpapataw ng life sentence sa mga smugglers at hoarders para matigil na ang pagpapahirap na ginagawa nila sa sambayanang Pinoy, period!
◘◘◘
DAPAT ISAMA SA LIFE SENTENCE ANG MGA PROTEKTOR NG SMUGGLERS AT HOARDERS -- Sana, hindi lang mga smugglers at hoarders ang maparusahan ng habambuhay na pagkabilanggo, kundi pati mga protektor umano nilang mga taga-DA, Customs at mga trapo.
Kapag naisama sa parusang life sentence ang mga buwayang protektor ng mga smugglers at hoarders ay tiyak matitigil na ang smuggling at hoarding sa ‘Pinas, sure ‘yan!





Comments