top of page
Search
BULGAR

Hirit ni Cong. Garin na ‘wag mag-panty, malamang populasyon ng ‘Pinas, lumaki

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Abril 3, 2024



POLITICAL DYNASTY, SANHI NG KAHIRAPAN AT PORK BARREL, UGAT NG CORRUPTION SA ‘PINAS -- Sabi noon ni former Vice Pres. Leni Robredo ay isa raw sa sanhi ng kahirapan ng Pilipinas at mga Pinoy ay ang political dynasty, at sabi rin noon ni former Sen. Ping Lacson ay ang isa raw sa ugat ng corruption sa bansa ay ang pork barrel ng mga senador at kongresista.


Totoo ang sinabing ‘yan nina ex-VP Leni at ex-Sen. Lacson, kasi sobrang hirap na ngayon ang pamumuhay ng majority Pinoy at kung titingnan ang uri ng pamumuhay ng mga magkakamag-anak na pulitiko (political dynasty) na may tinatanggap na pork barrel, eh payaman sila nang payaman, boom!


◘◘◘


‘WAG NANG UMASANG AASENSO ANG PAMUMUHAY NG PINOY KAPAG MGA POLITICAL DYNASTY NA MAY PORK BARREL ANG LAGING MANUNUNGKULAN AT MAMAMAHALA SA ‘PINAS -- Kung totoo man ang mga inilalabas na survey ng mga survey firms patungkol sa mga pulitiko sa mga posisyong posible nilang takbuhan sa halalan ay kapuna-puna na ang mga nakakakuha ng mga matataas na ratings o mga posibleng manalo ay mga pulitiko na may political dynasty na, may mga pork barrel funds pa.


Kung ganyan na ang nais ng majority Pinoy na manungkulan at mamahala sa gobyerno ay huwag nang umasa ang sambayanan na aasenso pa ang ‘Pinas at gaganda ang pamumuhay ng mamamayan, period!


◘◘◘


BAKA LALONG LUMAKI ANG POPULASYON NG ‘PINAS SA MUNGKAHI NI CONG. JANET GARIN NA ‘WAG MAGSUOT NG UNDERWEAR ANG MGA BABAE KAPAG NASA LOOB NG BAHAY -- Panawagan ni Iloilo Rep. Janet Garin sa mga kababaihan na ngayong panahon daw ng tag-init, para hindi gaanong makaramdam ng init sa katawan ang mga kababaihan ay mainam daw na huwag magsuot ng underwear o panty kung nasa bahay lang, lalo na kung oras na ng pagtulog.


Naku, eh baka dahil sa mungkahing ‘yan ni Cong. Janet ay mas lumaki ang populasyon ng bansa, kasi maiiwasan ngang hindi gaanong makaramdam ng init sa panahon ng tag-init ang mga kababaihan, eh baka ang mangyari naman n’yan ay si mister ang mag-init kapag laging nakikitang walang underwear si misis. Malamang, dadami nang dadami ang mabubuntis na misis sa panahon ng tag-init, boom!


◘◘◘


MALAMANG NAPA-‘ARAY’ SI HARRY ROQUE SA SINABI NI PANELO -- Umuusok sa galit si former Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sinabing sinungaling at gusto lang daw ng publisidad ng taong nagsabi na may gentleman’s agreement noon sina ex-P-Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping patungkol sa “status quo” na walang bibitbiting repair materials, at tanging mga pagkain at tubig lang daw ang dadalhin ng Philippine gov’t. sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Sierra Madre na nakadaong sa Ayungin Shoal.


Malamang, napa-aray si former Presidential Spokesman Harry Roque sa statement na ito ni Panelo, kasi sa totoo lang, siya (Roque) ang nagpabida sa social media na may gentleman’s agreement sina ex-P-Duterte at Jinping sa isyung BRP Sierra Madre, period!


0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page