Hirit ni BBM, Sara may 'K' maging VP dahil 'best partner', period!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 28, 2022
SA INTERBYU WALANG NASABI SI BBM TUNGKOL KAY SARA MALIBAN SA 'BEST PARTNER' DAW ITO – Sa interbyu ni Cheryl Cosim ng TV5 ay tinanong nito si presidential candidate, former Sen. Bongbong Marcos kung ano ang masasabi niya sa ka-tandem niyang si vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte.
Kapuna-puna na parang natigilan at nag-isip si BBM (Bongbong Marcos), at nang sumagot ay ang tanging nasabi ay "best partner" daw si Sara.
'Yun lang ang nasabi ni BBM, "best partner" daw si Sara, at wala siyang nasabi tungkol sa karakter o nagawa ni Sara para maging bise presidente ng Pilipinas, "best partner" lang daw, boom!
◘◘◘
COMPENSATION PAY SA MGA BIKTIMA NG MARAWI WAR, AKSYONG PAMPULITIKA NG DUTERTE GOV'T. PARA SA KANDIDATURA NI SARA FOR VP? – Inaprub ni P-Duterte na mapagkalooban ng compensation pay ang mga sibilyan na nabiktima ng digmaan sa Marawi City noong year 2017.
Mula ba sa puso talaga 'yan ni P-Duterte o pampulitika lang dahil kandidato for vice president ang kanyang anak na si Mayor Sara?
Kasi nga, sa tagal ng panahon na dinedma ng Duterte gov't. ang problema ng mga taga-Marawi City, eh ngayong panahon ng eleksyon saka naisipang bigyan ng compensation ang mga biktima ng Marawi City war, period!
◘◘◘
MGA DDS DEDMA SA ENDORSEMENT NI MAYOR SARA KAY BBM – Si Presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo ang inendorso ng mga DDS (Duterte Diehard Supporters) na pinamumunuan ni Rolando Torres, lider ng "Mayor Rodrigo Roa Duterte-Agila" supporters na nakabase sa Bulacan.
Patunay 'yan na dedma lang sa mga DDS ang pag-endorso ni Mayor Sara sa kandidatura ni BBM kasi imbes si Bongbong ang suportahan dahil inendorso ito ng anak ng Presidente, ay si VP Leni ang sinuportahan ng ilang pwersa ng mga DDS, at hindi si BBM, boom!
◘◘◘
NASAYANG ANG 3.6-M DOSES NG COVID-19 VACCINES DAHIL SA KAPABAYAAN NG DUTERTE GOV'T. – Nabulgar na mahigit 3.6 million doses ng iba't ibang uri ng COVID-19 vaccines ang na-expire sa bansa.
Hindi sana nasayang ang ganyan karaming bakuna kung ipinamahagi na agad ito ng DOH (Dept. of Health) sa mga LGUs (local government units) nu'ng panahon na maraming Pilipino ang gustong magpabakuna.
Isa 'yan sa pagpapatunay na palpak ang COVID-19 response ng Duterte gov't., period!





Comments