HIRIT NG NETIZEN: MARIAN, MUKHA NANG MASYONDA 'PAG WALANG MAKEUP
- BULGAR
- May 3, 2023
- 3 min read
ni MA. Consuelo Nolasco @Special Article | May 3, 2023

Inulan ng iba't ibang komento ang Labor Day post ni Dingdong Dantes sa Instagram account niya para sa kanyang misis na si Marian Rivera.
May mga netizens na natuwa at meron din namang mga hindi nasiyahan sa ginawang tribute post ng aktor para sa asawa.
Ito ang caption ni Dingdong na puno ng appreciation para sa asawang si Marian: "Good morning to this incredible woman who runs our household. Despite it being a holiday today, I woke up a little later than usual and saw her downstairs, busy with something. As I made my way to the living room, I saw her packing goodie bags for our company party tonight!
"Let's give a shout out to all the amazing homemakers out there who work tirelessly to make their homes a comfortable and loving place.
"And happy Labor Day to all the hardworking individuals, regardless of what kind of work you do — who strive to make a difference every day!"
Kasama rin ng long message na ito ang mga lawaran ni Marian, kung saan makikita na wala itong suot na kahit anong kolorete sa kanyang mukha.
Sobrang simple lang ni Marian at suot pa nito ang kanyang pambahay na damit habang nagbabalot ng mga loot bags para sa gaganaping company party nilang mag-asawa para sa kanilang mga empleyado.
Kahit na puno ng pagmamahal ang naturang caption ni Dingdong para sa asawang si Marian ay hindi pa rin nila naiwasang makatanggap ng halu-halong komento mula sa mga netizens.
Feel kasi ng ilang netizens na ang Labor Day ay dapat dedicated para sa mga manggagawa na patuloy na nagtatrabaho kahit maliit lang ang kinikita nila as long as nakakapag-provide sila sa kanilang mga pamilya.
Sila raw ang dapat isine-celebrate at hindi ang mga big stars tulad ni Marian.
"Ano'ng company nila?" ang tanong naman ng isa pang commenter tungkol sa mga business na meron ang mag-asawang Dingdong at Marian.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa pagiging Primetime King and Queen ng mag-asawa ay pinasok na rin ng mga ito ang pagnenegosyo.
Si Marian ay nagmamay-ari ng isang flower shop, ang Flora Vida, habang si Dingdong naman ay nagtayo ng kanyang sariling delivery business na pinangalanan niyang Dingdong® PH.
At ito naman ang iniwang comment ng isang netizen na naghihimutok tungkol sa tribute post ni Dingdong kay Marian at feeling nga nito, ginawang family celebration ni Dingdong ang Labor Day, "What a way to make the Labor Day about your family!"
"Naisip ko na 'yan. May ilan na iga-grab ang opportunity to take the spotlight at gagamitin ang Labor Day to make it about them na kunwari saludo, choo choo, pero slight fishing for compliments and attention," sabi naman ng isa pang netizen na tila tinaasan ng kilay ang ginawang tribute post ni Dingdong kay Marian.
Para sa netizen ay nagpapapansin lang ang celebrity couple para sa kanila mapunta ang spotlight at para na rin ulanin sila ng papuri mula sa mga taong makakabasa ng post ng aktor para sa misis.
Ang pagtatanggol naman ng isang netizen sa ginawang tribute post ni Dingdong kay Marian, tila ang gusto lang daw iparating ni Dingdong, hindi lang dapat ang mga manggagawa ang isine-celebrate, kundi pati mga nanay, dahil sila ang nagpapatakbo ng tahanan at 'yung effort nila ay walang bayad.
"He expressed admiration sa wife niya kasi homemakers are workers too, the only difference is 'yung effort nila, wala silang sahod. And that is admirable," ayon sa nagtanggol na fan.
Samantala, ang isang commenter naman ay imbes na ang long caption ni Dingdong para kay Marian ang mapansin ay mas piniling punahin ang mukha ni Marian na walang makeup.
"Ay, nakalimutang mag-filter? Bagsak and puffy 'yung face niya."
Ito naman ang hirit ng isa pang netizen na tila nanibago sa hitsura ni Marian na walang makeup at wala ring filter, "Ay, ganyan pala ang mukha niya 'pag walang filter at makeup."
"Bakit parang ang tanda namang tingnan ng mukha ni Marian diyan?" ang pagpuna ng isa pang commenter sa misis ni Dingdong.
Grabe naman ang mga netizens na 'to. Baka nakakalimutan nila, 38 yrs. old na si Marian at hindi na bagets kaya natural lang na nag-iba na ang hitsura niya kesa nu'ng younger years niya.
Sige nga, kumusta naman ang hitsura ng ibang nanlalait kay Marian sa edad nilang 38?
At least si Marian, kaya niyang magpakita ng natural face niya sa publiko kahit walang makeup dahil likas ang ganda niya.
Wala rin namang masama kung bigyan ng appreciation at credit ni Dingdong si Marian sa Labor Day dahil all-around sa bahay ang mga nanay at walang bayad. Our mothers do it because of their unconditional love.
Paaaak! 'Yun na nga!





Comments