top of page
Search
  • BULGAR

Hirit ng mga tsuper, irekta sa kanila ang ayudang P5-M ni Willie Revillame, ‘wag na idaan sa DSWD!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 12, 2020



STATEMENT NI SEC. LORENZANA NA BUMABABA NA ANG BILANG NG MGA NAGKAKA-VIRUS, SABLAY!—Inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, head ng IATF (Inter-Agency Task Force), na bumababa na raw ang mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa kaya’t handa na ang Metro Manila at mga karatig lalawigan na magbalik sa GCQ (General Community Quarantine) pagkatapos ng MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) ngayong Agosto 18, 2020.


Ito na ang siste, matapos sabihin ni Lorenzana ‘yan noong umaga ng Lunes, kinahapunan ay ‘breaking the record’ sa dami ang iniulat ng Department of Health na 6,958 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at ang masaklap pa, karamihan sa mga nagka-virus ay mula sa Metro Manila.


Hindi dapat nagsasalita ng tapos si Lorenzana kasi bilang head ng IATF, bad tingnan na sa kanya pa nagmumula ang sablay na statement, period!

◘◘◘

MGA DATING ‘BATA’ NI EX-P-NOY SA PHILHEALTH, ‘YAYARIIN’ NI P-DUTERTE—Sabi ni P-Duterte na “yayariin” daw niya ang mga sangkot sa katiwalian sa PhilHealth, na ayon sa kanya, kung nakalusot ang mga tiwali sa ibang pangulo, sa kanya ay sadsad ang aabutin ng mga ito.


Sa tema ng pagbabanta ng Pangulo, tila ang “yayariin” nito ay ‘yung mga dating opisyal ng PhilHealth na in-appoint noon ni ex-P-Noy, boom!


◘◘◘

KAPAG NAGKA-VIRUS ANG MGA GURO, WA’ PAKI SA KANILA ANG DEPED—Ayon kay DepEd Usec. Annalyn Sevilla, hindi raw sasagutin ng gobyerno ang gastusin sa mga public school teachers na tatamaan ng COVID-19.


Bad news ‘yan sa mga guro kasi pinagpipilitan ni DepEd Sec. Leonor Briones na mag-duty sila sa school kahit nananalasa pa ang COVID-19 dahil start na ang klase ngayong Agosto 24, 2020, tapos kapag may nagka-virus sa mga titser, bahala na sila sa gastos at walang pakialam ang DepEd, saklap!


◘◘◘


HIRIT NG MGA TSUPER KAY WILLIE REVILLAME, IREKTA SA KANILA ANG TULONG, ‘WAG NA PADAANIN SA DSWD—Matapos magpramis si Willie Revillame na magbibigay siya ng P5-M sa Department of Social Welfare and Development para pang-ayuda sa mga tsuper ng jeep ay nanawagan sa kanyaang mga opisyal ng mga jeepney drivers organizations na direktang ibigay na sa kanila ang tulong at huwag na itong padaanin sa DSWD.


Tama, dapat irekta na ni Willie ang tulong sa mga jeepney drivers kasi sa kupad ng mga taga-DSWD ay baka tigok na sa gutom ang mga tsuper, ang ayudang galing sa TV host ay wala pa, boom!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page