top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hirit ng mga basher na walang appointment si Leni sa DSWD, sopla!

BULGAR
Sep 1, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 1, 2022


SHOCKING ANG PUBLIKO SA LAKI NG BUDGET NG OVP NI SARA—Marami ang napataas ang kilay sa multi-billion peso budget ng OVP (Office of the Vice-President) ni Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio na umabot sa higit P2.3 bilyon.


Mantakin n'yo, ang mandato lang naman ng bise-presidente ay papalit sa pangulo kapag ito ay nasawi, nabalda, nag-resign o napatalsik sa pamamagitan ng People Power, tapos inaprub ng Department of Budget and Management na magkaroon ito ng bilyun-bilyong budget.


Sa panahon ni former VP Leni Robredo ay mahigit P700 milyon lang ang yearly budget na ibinigay ng Malacañang sa kanya para pampasuweldo sa mga kawani ng OVP, pang-medical at burial assistance at pang-livelihood program, tapos sa panahon ngayon ni VP Sara ang budget niya ay higit P2.3 bilyon, at ang matindi sa budget na ito, inaprub pa na magkaroon ito ng P500-M confidential fund.


◘◘◘


PANG-UUNGOY LANG PALA ANG SINABI NI EX-P-DUTERTE NA RETIRED NA SIYA SA PULITIKA KASI MANGANGAMPANYA PA RAW SIYA SA 2025 ELECTIONS—Ipinangako ni ex-P-Duterte sa mga kapartido niya sa PDP-Laban na tutulong siya na ikampanya ang mga ito sa 2025 elections.


Kung ganun, pang-uunggoy lang pala sa publiko ang sinabi ni ex-P-Duterte na retired na siya sa pulitika kasi sa 2025 elections ay ikakampanya niya ang mga kandidato ng partido niyang PDP-Laban.


◘◘◘


KATATAPOS LANG NG 2022 ELECTIONS, ANG NASA ISIP NA NGAYON NI EX-P-DUTERTE AY MANGAMPANYA SA 2025 ELECTIONS—Marami ang nabuwisit sa promise ni ex-P-Duterte na ikakampanya raw niya ang mga kandidato ng PDP-Laban.


Ang dahilan kaya nabuwisit ang netizens ay dahil katatapos pa lang ng eleksyon, dalawang buwan pa lang nanunungkulan ang mga nagwagi, pero ang nasa isip na ng dating pangulo ay pamumulitika para sa 2025 elections.


◘◘◘


FAKE NEWS NG MGA TROLLS KAY FORMER VP LENI, SABLAY—Sablay ang ipinakalat na fake news sa social media ng mga trolls na wala raw appointment ang pagtungo ni former Vice-President, Angat Buhay Foundation Chairman Leni Robredo sa tanggapan ni Sec. Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare and Development, na kesyo basta na lang daw nagtungo sa ahensya ang dating bise presidente na may kasama pang photographer para magpa-photo ops sa DSWD secretary.


Bukod sa ipinakita ng kampo ni Robredo ang sulat na humihingi sila ng appointment sa DSWD secretary para pag-usapan ang pagtutulungan ng Angat-Buhay at DSWD, mismong si Sec. Tulfo ang nagsabi na may appointment sa kanyang tanggapan ang dating bise-presidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page