Hirit na online hearing, tablado — Kamara.. 24-oras ultimatum kay Cong. Teves

ni Madel Moratillo | March 21, 2023

Binigyan ng 24 oras ng House Committee on Ethics si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves para humarap sa Kamara.
Ayon kay House Ethics Committee chairperson at COOP-NATCCO Partylist Rep. Felimon Espares, kung hindi ito haharap sa kanilang komite hanggang 4PM mamaya ay papatawan ito ng parusa.
Paglabag aniyang maituturing ang patuloy na pagliban nito sa kabila ng kawalan ng travel authority.
Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Nilinaw naman ni Espares na kahit dumating si Teves ay hindi nito maaapektuhan ang anumang maging desisyon nila.
Ayon kay Espares, hindi nila pinayagan ang hiling ng kampo nito na dumalo sa pagdinig ng komite via video conference.





Comments