top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hirit na laya ni de Lima, tablado sa huwes na appointee ni ex-P-Du30, alam na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 10, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 10, 2023



PAYAYAMANIN LANG NG NETIZENS ANG MGA PRODUCERS AT HOSTS NG 'EAT BULAGA', PERO KAPAG NAKURAKOT ANG MAHARLIKA INVESTMENT FUND, IIYAK ANG MGA SSS, GSIS, PHILHEALTH AT PAG-IBIG FUND MEMBERS -- Kapuna-puna sa social media na mas nakatuon ang pansin ng majority netizens sa isyu ng bangayan sa programang "Eat Bulaga" kaysa Maharlika Investment Fund (MIF).


Sana, hindi lang sa "Eat Bulaga" magpokus ang netizens, bigyang pansin din ang isyu sa Maharlika Investment Fund lalo't plano ng gobyerno na kunin ang pension funds ng mga SSS at GSIS members, health care funds ng mga PhilHealth members at housing funds ng mga Pag-IBIG members para isugal sa papasuking investment fund.


Sa isyu kasi ng "Eat Bulaga" dahil sa rami ng netizens na nakapokus d'yan ay mas lalo lang yayaman ang mga producers at TV hosts n'yan, pero kapag ang P500 billion na ipangpupuhunan ng gobyerno sa Maharlika Investment Fund ay nakurakot o nalugi, tiyak iiyak ang mga SSS, GSIS, PhilHealth at Pag-IBIG Funds members, boom!


XXX


SERBISYO NG MARCOS ADMIN PANGIT KAYA ISASAPRIBADO ANG NAIA AT IBA PANG PALIPARAN -- Sinabi ni Secretary Jaime Bautista ng Dept. of Transportation (DOTr) na plano raw ng pamahalaan na isapribado ang NAIA (Ninoy Aquino International Airport) at iba pang paliparan sa bansa para raw mapaganda ang serbisyo sa mamamayan.

Kumbaga, parang sinabi na rin ni Bautista na pangit ang serbisyo sa publiko ng Marcos administration, boom!


XXX


NAGING PRESIDENTE SI BBM NANG WALANG NANGYARING PAGBAWI SA MERALCO AT WATER COMPANIES, AT ANG MASAKLAP, NAIA IBEBENTA PA --Sa panahon ng kampanya last 2022 presidential election, ang ikinakalat sa social media ng mga loyalists at DDS (Duterte Diehard Supporters) vloggers ay kapag si BBM (Bongbong Marcos) daw ang naging presidente ay babawiin ng gobyerno ang Meralco at mga water companies para maging libre na ang paggamit ng mamamayan sa kuryente at tubig.


Fake news ang ikinalat na ito ng mga vloggers sa social media kasi nang maging presidente si BBM ay walang nangyaring pagbawi sa Meralco at mga water companies, at ang masaklap, pinagdidiskitahan pa ngayon na ibenta sa pribadong kumpanya ang NAIA at iba pang paliparan sa bansa, buset!


XXX


HINDI NA DAPAT I-MEMORIZE BAKIT NI-REJECT NI JUDGE BUENAVENTURA ANG HIRIT NA PIYANSA NI DE LIMA KASI SI EX-P-DUTERTE PALA ANG NAG-APPOINT SA HUWES NA ITO -- Si ex-President Rodrigo Duterte pala ang nag-appoint kay Judge Romeo Buenaventura para maging huwes ng Branch 256 ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) noong Sept. 3, 2020.


Dahil d'yan, hindi na dapat pang i-memorize kung bakit ni-reject ni Judge Buenaventura ang bail petition ni former Sen. Leila de Lima, kasi nga, ang kalaban niya sa pulitika na si ex-P-Duterte pala ang nag-appoint sa huwes na ito para maging hurado ng Branch 256 ng Muntinlupa City RTC, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page