top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hindi sana umabot sa 54-k ang namatay kung maagang nag-travel ban ang ‘Pinas sa China

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 05, 2022



DAMING EBIDENSIYANG SABIT SA SCAM SI MICHAEL YANG–Bukod sa mga larawan at video na ka-meeting ni P-Duterte sa Palasyo ang mga taga-Pharmally Pharmaceutical Corp., sa pamumuno ng BFF ng pangulo na si Michael Yang, sinabi rin ng mga executives ng kumpanya na si Mr. Yang umano ang “konek” nila sa gobyerno, kaya kahit P650-K lang ang kapital ng kanilang negosyo ay nakakopo sila ng bilyun-bilyong pisong kontrata sa pamahalaan.


Tapos sa kabila ng mga ebidensiya at testimonyang ‘yan, sabi ni DIWA partylist Rep, Michael Aglipay, wala raw kasalanan sa PS-DBM (Procurement Service-Dept. of Budget and Management)-Pharmally multi-billion peso scam si Michael Yang, pwe!


◘◘◘



PALPAK ANG TUGON NG DUTERTE ADMINISTRATION SA PANDEMYA–Sa harap ng mga kasapi ng Koalisyon ng Maralitang Mamamayan (KMM), sinabi ni Vice-Pres. Leni Robredo, na kung sakaling siya ang manalo ay prayoridad ng kanyang administrasyon na tugunan ang mga problemang kinahaharap ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.


Aba, sa punto ng salita ni VP Leni, tila pinalalabas nitong palpak ang Duterte administration sa pagtugon sa laban sa COVID-19, kaya hanggang ngayon ay nananalasa pa rin ang COVID-19 sa ‘Pinas, boom!

◘◘◘



KUNG MAAGA LANG NAG-TRAVEL BAN SA CHINA, HINDI SANA UMABOT SA MAHIGIT 54-K PINOY ANG NAMATAY SA COVID-19–Sa data ng Worldometer Statistics ay 54,097 Pilipino na ang namatay sa COVID-19.


Kung sinunod lang sana ni P-Duterte ang panawagan noong 2020 na mag-travel ban na sa China matapos magkaroon ng COVID-19 outbreak, hindi sana umabot sa ganyan karaming Pinoy ang namatay.


‘Yung ibang bansa sa Asya na agad nag-travel ban sa China nang manalasa ang virus, kung kaya’t kaunti lang ang namatay, tulad ng Taiwan na mahigit 800 ang namatay, period!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page