top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

Hindi raw ang ex-GF ang TOTGA niya… JOSHUA, IBINUKING NA MAY DYOWA NA SI JULIA

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
4 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 30, 2026



SHEET - JOSHUA, IBINUKING NA MAY DYOWA NA SI JULIA-IG _garciajoshuae

Photo: IG _garciajoshuae



“Naniniwala ako na posibleng maging magkaibigan ang mag-ex pero kailangan din nila ng time para maging ready silang maging magkaibigan talaga,” ito ang opinyon ni Joshua Garcia sa tanong ni DJ Chacha kung posibleng maging magkaibigan ang dating magdyowa.


Dagdag pa ng aktor, “‘Di kasi minamadali ‘yun lalo na kung masakit ‘yung pinanggalingan. And yes, puwedeng maging magkaibigan at kita naman lahat ng tao ‘yung sa amin ni Julia (Barretto).”


Ang ganda ng relasyon ng JoshLia, lalo na sa promo ng Always Yours, Never Mine na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana under Star Cinema at ABS-CBN Studios.

Balik-tanong ni DJ Chacha, “So, ang status n’yo ngayon ay really… friends?”


“We’re good friends, really good friends. And I think mas ano pa nga, (higit) sa friends kasi sobrang kilala na namin ang isa’t isa. Pero we have this kind of relationship na we really understand each other,” paliwanag ni Joshua.


Nasambit ng host na magkaiba sila ng paniniwala ng aktor bilang babae dahil sa kaso niya ay hindi nangyari, hindi sila naging magkaibigan ng mga exes niya.

“Good for you and Julia kasi nangyari sa inyo,” diin ni DJ Chacha.


“‘Di rin naman lahat, of course. Meron din naman akong naging exes na ‘di rin kami (okay), depende rin talaga sa situation. Kagaya ngayon, magka-work kami pero ‘di naman ibig sabihin na dahil magka-work kami ay kailangan naming maging magkaibigan,” paliwanag ni Joshua.


Dagdag pa niya, “To be honest, nu’ng unang beses akong inalok with Julia under Black Sheep (Productions) pa, wala pa ‘yung UnHappy For You nu’n, sabi ko, ‘di ko muna magagawa at that time. I feel like, ‘di pa ako ready na maka-work s’ya ulit, ‘di pa ako healed totally. 


“And then, after few years, pumasok ‘yung UnHappy For You, ‘yun, ready na akong mag-work with her, mag-reconnect ulit with her at du’n na nag-start ulit ‘yung journey namin together and na-discover ko na mas okay pala ‘yung ganito. Work lang tayo, tapos nagkaroon ng boundaries din kasi before, s’yempre kami ‘yun, kasama ‘yung love and work together. Eh, ngayon, work and friendship together, mas professional ang dating namin.”


Mas challenging para kay Joshua ngayong magkaibigan sila ni Julia kung paano pakikiligin ang manonood sa mga eksena nila ng aktres sa bago nilang movie.


Samantala, ipinagdiinan din niyang wala na talaga silang something sa isa’t isa dahil may kani-kanya na silang karelasyon. Kinlaro rin ng aktor na hindi sila lumalabas ni Julia kahit magkaibigan sila dahil may mga magseselos at magagalit na.


“May understanding kami na okay, we’re friends, but may mga bagay na ‘di na natin puwedeng gawin. Of course, s’yempre, may mga sari-sarili na rin kaming mga buhay and partners in real life, ‘di ba?” paliwanag ni Joshua.


Hayan, inamin ng aktor na may kani-kanya na silang partners in life at alam naman ng lahat kung sino ang kay Joshua. Ang kay Julia na lang ang palaisipan kung sino.


Dagdag pa niya, “Nagkikita pa rin naman kami pero with friends, like may gathering, kani-kanyang kuwentuhan. Pero ‘yung kaming dalawa lang, hindi. Kasi date na ang dating nu’n.

“And I think mas magwo-work ang friendship n’yo kung wala talaga kayong nararamdaman na romantically sa isa’t isa, lalo na ngayon may kani-kanya na kaming partners. Mali naman talaga ‘yun, ‘wag nating puntahan ‘yung ganu’n na lugar.”


Aminado ang aktor na malaking parte sa growth niya si Julia.

Sey ni Joshua, “Being with Julia noong naging kami, naghiwalay and now na magka-work kami and ‘yung buong journey na ‘yun, ang laki ng naitulong niya sa growth ko as an actor and as a person kasi ang dami kong naintindihan about love, about being broken. Isa sa mga natutunan ko ay ‘yung ‘di ko kailangang patunayan ang sarili ko sa lahat ng tao kasi I used to, kasi galing sa PBB (Pinoy Big Brother) and I want to please everyone. 


“Natutunan ko maging private sa buhay ko, magtira para sa sarili. Before kasi, ‘di pa, nagsisimula pa lang ako, so gusto kong mas makilala ako ng mga tao. Nandu’n pa rin naman ako as Joshua Garcia pero may mga ‘di na lang ako inilalabas like my relationship (‘di lahat naka-post).”


Diretsong tanong ni DJ Chacha, “Do you consider Julia as your TOTGA (The One That Got Away)?”


“Ang masasabi ko, importante sa ‘kin si Julia. Like, importante s’ya sa journey ko and ang dami n’yang naiambag sa growth ko tulad ng sabi ko, pero ‘di ko s’ya masasabing TOTGA kasi nagkaroon na kami ng closure, eh.”


Pagtatapat ng aktor, “I think the one that got away ay ‘yung ‘di naging kayo. Ganu’n ang ibig sabihin sa ‘kin nu’n, meron kayong nararamdaman sa isa’t isa at papunta na kayo sa relationship pero ‘di naging kayo dahil sa circumstances. And may ganu’n ako, may TOTGA ako.”


Na-curious si DJ Chacha kung sino ang tinutukoy ni Joshua at tinanong kung taga-showbiz ito, pero napangiti lang ang aktor.


Anyway, ngayong Setyembre 30 na ang showing ng Always Yours, Never Mine na handog ng Star Cinema at ABS-CBN Studios.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page