Hindi pa divorced… GERALD, NASA ‘PINAS NA, GUSTONG MAGHABOL NG SHARE SA PROPERTY NILA NI AI AI
- BULGAR
- 1 hour ago
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | November 9, 2025

Photo: IG
May tsismis na nasa bansa na raw muli ang ex-husband ni Ai Ai delas Alas na si Gerald Sibayan matapos ma-revoke ang petisyon nito para sa green card sa USA.
Simula nang maghiwalay sila noong nakaraang taon ay never pang nagbigay ng anumang pahayag si Gerald, na balitang nag-stay pa sa Amerika kasama umano ang napabalitang ‘third party’ sa hiwalayan nila ng Comedy Queen.
Pero may mga common friends ang dalawa na nag-Marites na nasa bansa na itong muli, bagaman hindi pa raw lumalabas ang desisyon ng divorce nila ni Ai Ai.
May tsismis pang may property pa diumanong nais nitong makuha o magkaroon ng share dahil naging partner o namuhunan din daw ito sa naturang property.
Last week of October nang huling lumabas at magpa-interview si Ai Ai sa TV sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Wala naman siyang binanggit na nasa Pilipinas ang ex niya o kung may hinahabol man itong property.
sa anak ni Neil na nasa PBB…
ANGEL, TODO-PARAMDAM ULI SA SOCMED
MAY mga netizens na nagsasabing nakakapagduda ang pagbabalik sa social media ni Angel Locsin.
Sa dinami-rami raw ng ibang mahahalagang pangyayari sa showbiz at iba pang dapat ay ipinapahayag ng isang gaya niyang ‘influencer’ ay kung bakit ngayon lang daw muling nagparamdam sa socmed (social media) ang dating sikat na aktres.
Matatandaang simula nang maging very vocal si Angel matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, at nang maiskandalo ang minsan niyang pagkakawanggawa (nagpakain sa isang komunidad at napabalitang may mga nasugatan o namatay), nanahimik ito sa socmed.
Naunawaan naman ng marami ang naging desisyon niya, lalo’t wala na rin naman siyang naging activity sa showbiz. May pagkakataon pa ngang kinuwestiyon ng marami ang kanyang pagiging ‘artist’ nang hindi man lang diumano siya nagparamdam nang yumao ang isa sa mga tumulong sa career niya, ang kanyang dating manager.
Kahit nga noong mamatay ang tatay niya ay nagawa ni Angel na lumayo o umiwas sa socmed.
Pero nitong pumasok nga sa showbiz ang anak ng mister niyang si Neil Arce, biglang nagparamdam ng suporta si Angel.
At kamakailan lang, nang dahil sa grabeng pagbaha sa Cebu, muling ginamit ni Angel ang socmed para magpahayag ng kanyang saloobin.
At dahil hindi naman lahat ng tao ay inuunawa siya o gustong intindihin ang mga rason niya, natural na may mga bashers siyang kinukuwestiyon ang kanyang recent socmed activity.
Well, maybe soon ay malalaman natin ang tunay na dahilan, if ever man na gusto itong isapubliko ng aktres.
But for now, alam naman siguro ni Angel na iba na ang kalakaran sa paggamit ng social media, at sigurado namang handa siya.
May mga nagtatanong nga lang, “Relevant pa ba ang isang Angel Locsin?”
MULING naglabasan at nabuhay ang ilan sa mga videos ng yumaong matikas na environmentalist na si Ma’am Gina Lopez, mga videos kung saan ipinagtatanggol at nagbibigay siya ng babala sa mga abusadong contractors at mining operators sa bansa.
Isa tayo sa mga supporters ng matapang na Lopez scion na tunay namang may mabuting puso despite her pedigree at yaman. Very dedicated at genuine kung tumulong, at nakakabilib ang pagmamahal niya sa inang kalikasan.
Minsan na siyang nagkaroon ng pagkakataon na maging bahagi ng gobyerno bilang secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), pero sadyang iba ang laro sa pulitika ng mga mayayamang negosyante kaya’t hindi siya nabigyan ng legal na appointment.
Isa talaga siya sa mga taong sinayang ng bansang ito dahil mas pinairal ng mga may kapit sa gobyerno at mga kasamahan nilang nag-aapruba ng appointment na hayok at gahaman sa kanilang mga interes, lalo na sa usaping pagmimina at pagtatayo ng mga structures sa mga likas na yaman gaya ng bundok, atbp..
At dahil sa pangyayari sa Cebu City, balitang tinadtad ng tags ng mga video ni Ma’am Gina ang mga gaya nina Slater Young at mga kasamahang engineers at architects upang ipaunawa ang nagawa ng kanilang katalinuhan kuno sa panghihimasok sa natural na daloy ng kalikasan.




