top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hindi natupad ang P20 per kilo ng bigas, nawala pa sa merkado ang NFA rice

BULGAR
Nov 29, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 29, 2022


WALANG P20 PER KILO NG BIGAS, WALA RING NFA RICE—Walang mabili sa merkado na National Food Authority (NFA) na ang presyo ay P27 hanggang P32 per kilo.


Sa isyung ito, ang kaawa-awa ay ang poorest of the poor kasi umasa silang magiging P20 per kilo ng bigas na hindi nagkaroon ng katuparan, pero ang masaklap, pati pinakamurang bigas na NFA rice ay wala nang mabili sa merkado.


◘◘◘


SA PANAHON NI DIGONG NAWALA ANG NFA RICE—Para sa kaalaman ng publiko, hindi sa panahon ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos nawala sa merkado ang NFA rice, kundi sa pamamahala ni Digong kasi ang ipinalit ay imported rice mula nang isabatas ang rice tariffication law, na nagbibigay-pahintulot na mag-angkat ng bigas na ibebenta sa merkado.


Sa totoo lang, ang daming naghirap na Pinoy sa batas ni Digong, tulad ng mga kawawang magsasaka dahil ‘pinatay’ ang kanilang hanapbuhay.


◘◘◘


PARA HINDI LUMAGANAP ANG BAGONG VARIANT NG COVID-19, IBALIK ANG MANDATORY USE NG FACE MASK—Kinumpirma ng Department of Health na may na-detect silang 14 pasyente ang tinamaan sa Pilipinas ng bagong variant na Omicron BQ1 ng COVID-19.


Nakababahala ‘yan kasi baka dumami ang mga magka-virus sa ‘Pinas.


Para matiyak na hindi lalaganap ang bagong variant, dapat ipag-utos ulit ng pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa ‘Pinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page