top of page

Hindi nakaporma sa galawang beterano ng Cargo ang Foxies

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2023
  • 2 min read

ni VA @Sports | June 28, 2023



ree

Imbes na tamis ng unang panalo ang nilasap ng Farm Fresh Foxies laban sa beteranong F2 Logistics Cargo Movers ay isang mapait na pagkabigo ang kanilang debut game sa Premier Volleyball League opening kahapon.


Malupit na binuksan ng Cargo Movers ang kanilang 2023 PVL Invitational Conference campaign sa pagbibigay ng unang binyag sa Foxies, 25-22, 25-20, 25-23 sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Pinangunahan ni Ivy Lacsina ang atake ng Cargo Movers sa ikinasang 13 points, 12 attacks at block habang si Mars Alba ay may 14 excellent sets at five markers. Kasunod ng tikas ng beteranong si Aby Maraño na may 10, habang si Kianna Dy ay umiskor ng 9 points.


Naiiwan ng 2 puntos, 23-21, sa huling bahagi ng third frame, nagpakabog pa ang Farm Fresh nang umiskor ng 1 ang F2 ay umatake si Gayle Pascual at naipatas pa ni Sam Nolasco ang ace sa 23.


Pero hindi pumayag sina Maraño at Jolina Dela, bumanat ang mga ito magkasunod na attack and ace Cruz para sa dalawang diretsong puntos, at hayaan nang tuluyang isara ng Cargo Movers ang pintuan sa nagpupumiglas pa namang Jerry Yee-led squad. "We are happy na panalo kami, but we still have to learn more. They have to make better connections with each other, lalo na bago si Marionne sa loob ng court so marami pa siyang adjustments.


Hindi pa rin ako mags-stop dahil nanalo kami kasi marami pa kaming errors, madami pang parts na kailangang linisin," ayon kay F2 coach Regine Diego matapos na magkaroon ang koponan ng 22 errors sa panalo.


Nakita rin sa dikitang bakbakang ang patunay na may potensiyal ang Farm Fresh at naniniwala si Diego na malayo ang mararating ng bagong koponan sa PVL. May 10 puntos si Pascual sa Farm Fresh habang si Wielyn Estorque ay may 8 points.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page