top of page

Hindi nadale sa mga inaalagaang numero… Lalaki, wagi ng mahigit P125 M sa ‘lucky pick’ sa lotto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2021
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | November 25, 2021



Masuwerteng nasolo ng isang lalaki mula sa San Carlos City, Pangasinan ang mahigit P125.6 milyon jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw noong November 4, 2021


Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office, sinabing kawani ng gobyerno ang nanalo ng P125.6 milyon sa lotto 6/49 matapos na tamaan niya ang lumabas na kombinasyon ng mga numero na 05-03-10-17-43-49, noong Nov.4.


Batay umano sa kuwento ng lalaki, mayroon siyang mga numero na laging tinatayaan pero naging masuwerte siya sa ginawang pagtaya sa pamamagitan ng lucky picked combination.


Samantala, wala pa ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Martes, Nobyembre 23, 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page