Hindi kalendaryo ang Bibliya kaya’t ‘wag hanapan ng petsa ng kapanganakan ng bawat nilalang!
- BULGAR

- Sep 9, 2020
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | September 9, 2020
BIRTHDAY kahapon ni Mama Mary.
Banal na numero ang otso!
◘◘◘
MAY nagtatanong sa social media: Nasa Bibliya ba ang birthday ni Mama Mary?
Ang sagot natin ay lahat ng tao ay may birthday!
◘◘◘
MAAARING ang itinatanong ay ang petsa ng pagsilang ng Birhen.
Ang tanong na ‘yan ay tulad ng tanong na: Nasa Bibliya ba ang Pasko?
Nasa Bibliya ang Pasko na pagsilang ni HesuKristo.
Pero ang mas malamang na tinutukoy ay kung nasa Bibliya ba ang petsang Disyembre 25 at Setyembre 8.
Ang Bibliya ay hindi kalendaryo kaya’t hindi rito dapat hinahanap ang petsa ng kapanganakan ng bawat nilalang!
◘◘◘
ANG mas angkop na sagot ito: Wala pang modernong kalendaryo nang isilang ang Birhen at Kristo!
Hindi mahalaga ang petsa—ang aktuwal na pagsilang!
◘◘◘
KAHIT sa ngayon, lalo na’t may COVID-19, ipinagpapaliban ang selebrasyon ng petsa ng kaarawan at maging ang petsa ng kasal.
Ang birthday ay selebrasyon—at ito ay maaaring isagawa kahit anong petsa o araw!
◘◘◘
ANG tanong na ‘yan ay karaniwang nagmumula sa mga protestanteng iniyayabang ang kanilang Bibliya.
Ang Bibliya ng mga protestante ay aktuwal na binuo, kinalap at inilimbag ng mga sinaunang iskolar ng Simbahang-Katolika!
◘◘◘
ANG mga tanong na ‘yan ay mga gasgas na paninira ng mga kabisoteng pastor na nagkakabisa ng sitas sa Bibliya pero hindi naman nauunawaan.
Karaniwang pastor ay hindi nagpapakadalubhasa sa Bibliya, bagkus ay nagpapadalubhasa lang sa pagbigkas o pambobola sa mga nakikinig!
◘◘◘
PAULIT-ULIT lang ang doktrina ng mga protestante na kinopya lang kay Martin Luther na isang paring Katoliko na nagbuo ng sariling doktrina na nang lumaon ay nagsisi sa kanyang mga ginawa.
Gayunman, dahil sa pambihirang paglalatag ng doktrina, kinopya ito ng mga mahuhusay ang boladas na nagtayo ng kani-kanyang sekta kung saan marami ang nagsiyaman mula sa donasyon ng mga napaniniwala nila!





Comments