top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hindi ang Darna na si Angel… JANE, SI ANGEL AQUINO ANG IDOL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 25, 2023
  • 1 min read

ni Ejeerah Miralles | March 25, 2023



Inamin ni Jane De Leon a.k.a. Darna sa isang panayam kamakailan na ang una niyang naiisip kapag binabanggit ang "empowered women" ay si Angel Aquino (not Angel Locsin na nag-Darna rin).


Sey ng Darna actress, kino-consider niya bilang nanay o ate si Angel.


Dagdag pa niya, “Si Ms. A kasi, ang sarap niyang kasama kasi hindi siya nagdya-judge ng ibang tao."


Ang nagustuhan daw ni Jane kay Angel ay ang pagli-lift up at pagtulong nito sa mga co-artists.


Ani Jane, "Sobrang humble niya talaga at hindi mo mararamdaman na may ere siya.


Sobrang bait niya talaga... nanay siya for me, eh."


Hindi rin nakalimutang isama ni Jane bilang "empowered women" ang kanyang mga Darna co- stars na sina Janella Salvador, Rio Locsin at Iza Calzado.


Samantala, binigyang-pugay din kamakailan ng aktres ang kanyang ina sa successful 8th operation nito.


Caption ni Jane, "You're such a strong person Mama and I am proud of you."


Nagpasalamat din siya sa mga fans at kakilala na nagdasal para sa kanyang ina.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page