top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hindi alam ng pulitiko? Maraming maralitang Pinoy ang kumakain ng kamote

BULGAR
Nov 12, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 12, 2022


MARTIAL LAW SA DEPED—Nagpalabas ng direktiba si Vice-President, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio, na ipinagbabawal na makipagkaibigan o makipag-ugnayan sa labas ng eskwelahan ang mga guro sa kanilang estudyante para maiwasan ang palakasan ng mga mag-aaral sa kanilang titser.


Pambihira, pati ba naman ang pakikipagkaibigan at pakikipag-ugnayan ng guro sa mag-aaral ay ipinagbabawal ni Sara?


Sa direktiba ni Sara, mistulang may martial law na sa DepEd.


◘◘◘


CONFIDENTIAL FUNDS ANG BAD, HINDI ANG PAKIKIPAG-FRIEND NG GURO SA ESTUDYANTE—Sa totoo lang, hindi naman masamang makipagkaibigan at makipag-ugnayan ang guro sa kanilang estudyante sa labas ng eskwelahan.


Ang bad at dapat ipagbawal ay ang paghingi ng confidential funds ng mga trapo. Ang confidential funds kasi na hinihingi ni Sara para sa kanyang tanggapan sa Office of the Vice-President at Office of DepEd secretary ay hindi nao-audit ng Commission on Audit kung saan ginagasta at napupunta.


◘◘◘


HINDI ALAM NG MGA RICH POLITICIANS NA MARAMING PINOY ANG KUMAKAIN NG KAMOTE DAHIL WALANG PAMBILI NG BIGAS—Kumain ng kamote bilang alternatibo sa kanin, 'yan ang sinabi ng ilang pulitiko.


Matutong kumain ng kamote? Aba, hindi pala alam ng mga rich politicians na sa sobrang hirap ng buhay at walang maipambiling bigas ay may mga kababayan tayong kamote lang na ang kinakain ngayon.


Hindi lang alam dahil hindi naman sila bumababa o nagtutungo sa komunidad, wala tuloy silang alam sa sitwasyon ng mga tinaguriang poorest of the poor.


◘◘◘


MAMAMAYAN DAPAT ANG MAKINABANG SA TAX COLLECTION NG BIR AT BOC, HINDI 'BUWAYA' SA PAMAHALAAN—Magkasunod na inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs, na lumagpas o sumobra ang koleksyon sa kanilang tax target collection.


Kung totoo 'yan, mamamayan sana ang makinabang sa sobrang tax collection, hindi ang mga "buwaya" sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page