top of page

Hinabol ng aso pero ‘di nakagat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 13, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 13, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Bulacan.


Dear Maestra,


Nais kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko. Napanaginipan ko na naglalakad ako sa kalsada nang may dumating na asong gala at hinabol ako. Mabuti na lang, hindi ako kinagat nito dahil nakaiwas ako at nagtago sa bahay na nadaanan ko. Ano ang ipinahihiwatig nito?

Naghihintay,


Cory


Sa iyo, Cory,


Salamat sa pagsangguni mo tungkol sa iyong panaginip. Ang ibig sabihin ng hinabol ka ng aso pero hindi naman kinagat ay nagpapahiwatig na kung sino pa ‘yung kaibigan na hindi mo pinagkakatiwalaan ay siya pa ang tapat, maaasahan at tunay na kaibigan na nagmamalasakit sa iyo. Gayundin, handa siyang tulungan ka sa iyong mga problema sa sandaling lumapit ka sa kanya.


Mabuti na lang at hindi ka nakagat ng aso sa panaginip mo kasi ang ibig sabihin kung kinagat ka ng asong humahabol sa iyo, may katwiran kang hindi pagkatiwalaan ang kaibigan mo dahil hindi siya totoong kaibigan. Kunwari lang na mabait siya, pero sinisiraan ka naman ‘pag nakatalikod.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page