ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 4, 2024
Inaasahang hindi kukulangin sa dalawang milyong deboto ang makikilahok sa Feast of the Black Nazarene o Nazareno 2024 sa Enero 9, Martes.
Ipinahayag ito ni Manila Mayor Honey Lacuna sa isang press conference ngayong Huwebes.
Binanggit niya ang dami ng mga deboto na nairehistro ng Simbahan ng Quiapo sa mga nakaraang pagdiriwang ng Nazareno bago ang pandemyang COVID-19.
“Noong mga nakaraan nasa 2 million,” ayon kay Lacuna sa isang press conference.
“Hindi natin masasabi (kung) ilan ang dadalo ngayon sa kadahilanan na lahat ay sabik na sabik,” dagdag niya.
“[Pero] ganoon pa rin ang numbers na ine-expect namin. Hindi kami nag-e-expect ng mas kaunti,” paliwanag niya sa mga reporter.
Hozzászólások