Higit P62M Megalotto jackpot prize, nasolo ng isang mananaya

ni Jasmin Joy Evangelista | February 19, 2022

Solo winner ang nagkamit ng P62 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 18, 2022.
Batay sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na winning combination sa naturang draw ay 31-30-06-04-29-16.
Ang premyo ay may kabuuang P62,756,225.80, at nakasaad na may isang nanalo mula Baguio City, Benguet.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58 kung saan ang mga lumabas na numero ay 47-58-12-18-31-44, at may kabuuang papremyo na P49,500,000.00.





Comments