top of page
BULGARY - SHUVEE, UMUPO NA SA PRIORITY LANE SA TREN, PATI SHOPPING BAGS, PINAUPO RIN-IG _s

Higit P2 bilyon na ang pinsala... 21 patay sa bagyo, habagat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 14, 2026



Baha dulot ng habagat - BFP Central Luzon

Photo: BFP Central Luzon



Umakyat na sa 21 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 3.7 milyong katao ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng Tropical Cyclones Luis at Maymay, at ng pinaigting na habagat.


Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 21 ang naitalang nasawi, 14 ang sugatan, at tatlo ang nawawala dahil sa pag-ulan, baha, landslide, at iba pang sakuna.


Umabot naman sa P2.65 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, habang tinatayang P347.37 milyon naman ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page