top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hi-tech ang NBA players, magsusuot ng COVID-19 tracking devices

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 2, 2021
  • 2 min read

Updated: Jan 9, 2021

ni MC - @Sports | January 2, 2021





Inaasahang magiging requirements ng NBA ang lahat ng kanilang manlalaro na magsuot ng tracking devices habang sakay ng team buses at airplanes para sa kanilang mga flight upang makontrol ang pagkalat ng coronavirus.


Sisimulan umano ang sensor program sa Enero 7 at ipasusuot ito sa players at team officials kasama ang coaches. Ginawa ang ideya upang malaman kung sinong club members ang dapat i-quarantine sakaling may magpositibo sa ginawang coronavirus tests.


Malalaman sa sensor kung nagkalapit sila ng six feet ng isa pang may suot na sensor kaya magiging madali ang contact tracing. Hindi naman kailangan ng players na isuot ang sensor sa team hotel kapag sila ay nasa road game o habang naglalaro. Sa lahat ng bansa, pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 virus ang United States na aabot sa halos 20 milyong kaso na may 344,000 ang nasawi.


Samantala, wala umanong bagong manlalaro ng NBA ang naiulat na nagpositibo sa COVID-19 mula sa 495 na test simula noong Huwebes, ayon sa liga. Nilinaw ng NBA na lahat ng manlalarong lalabas na positibo ay agad ihihiwalay hanggang mabigyan ng clearance na magbalik sa team sa ilalim ng guidelines na ipinatutupad ng NBA at ng National Basketball Players Association.


Noong isang Linggo, inanunsiyo ng NBA na dalawang manlalaro ng NBA ang nagpositibo sa isinagawang 558 test. Napuwersa ang Houston Rockets na kanselahin ang kanilang unang laro sa season kontra Oklahoma City matapos kulangin ang koponan sa kailangang walong manlalaro na isasabak kontra sa bumisitang Thunder.


May 7 manlalaro rin ng Rockets ang hindi pinayagang tumuntong sa court dahil sa COVID-19 issues, maaring positibo o kasama sila sa inconclusive tests o contact tracing. Nakalaro naman ang Houston upang simulan ang kanilang kampanya sa 2020-21 sa pamamagitan ng pagkatalo kontra Portland at Denver.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page