Herlene Budol, excited na ilabas ang music video ng “Kain Tayo”
- BULGAR

- Jan 16, 2024
- 1 min read
Updated: Jan 17, 2024
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 16, 2024

Tila laban na laban na ang paglabas ng bagong single ni Herlene Budol na may pamagat na "Kain Tayo" dahil hindi niya napigilang ihayag ni Herlene Budol ang kanyang excitement para sa nalalapit na paglabas ng music video.
Ayon sa kanya, nakaka LSS at tiyak raw na papatok ang single sa mga tao mula sa mga bata at pangkalahatan.
Ang saad niya sa isang Facebook post, “Lunch break na po! Oras na po ng lafang to the highest level sa buffet, Chi-cha tayo para busolve, Siempre indi mawawala ang (BUDOL) Boodle fight mga KaSquammy, KaHiponatics at KaBudol ko dyan. Tara mag mukbangan na! Eggzoited much para sa Music Video - "KAIN TAYO" Impernezz nakaka LSS at tyak na tatangkilikin mula bata at pangkalahatan! TYL for another blessings at sa mga upcoming project.”
Matatandaang nasangkot si Herlene sa isang viral screenshots ng umano'y palitan nila ng mensahe ng kanyang "Magandang Dilag" co-star na si Rob Gomez, kung saan kasama ang mga salitang "kain tayo."





Comments