top of page
SPECIAL - SAM, UMAMING NAWALA ANG TIWALA AT RESPETO SA KANILA NI RHIAN KAYA NAGHIWALAY-FB

Heatwave sa Spain pumalo sa 40°C, mga residente, pinag-iingat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | June 23, 2026



Heatwave sa labas ng bansa - Europa Press


Nakaranas ng matinding init ang Spain matapos maranasan ang unang opisyal na heatwave nito ngayong 2026, kung saan umabot sa halos 40 degrees Celsius ang temperatura sa Madrid.


Ayon sa mga ulat, maraming turista at lokal na residente ang nahirapang makibagay sa matinding init, lalo na sa mga matataong lugar gaya ng El Rastro flea market.


May ilang turista ring gumamit ng portable electric fan at nagsuot ng mapuputing damit upang kahit papaano ay maibsan ang epekto ng matinding sikat ng araw habang naglalakad.


Ayon sa Spanish weather agency, 13 sa 17 rehiyon ng Spain ang nasa ilalim ng orange heat alert, habang nakataas naman ang red alert sa Basque Country, ang pinakamataas na antas ng babala dahil sa matinding init ng panahon.


Inaasahang magpapatuloy ang heatwave hanggang Huwebes.


Dahil dito, nagbabala ang mga otoridad tungkol sa posibleng epekto nito sa kalusugan, lalo na sa mga nakatatanda at iba pang vulnerable na sektor ng populasyon.

Pinangangambahan din ang pagtaas ng panganib ng mga wildfire sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page