by Angela Fernando @Entertainment | July 28, 2024

Proud na ibinahagi ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang Instagram story ang naging pagdalo niya bilang speaker para sa Pride event na "Spread the Love, Makati!" sa Makati City.
Binigyang-diin ni Heart na suportado niya ang kahit anong klase at uri ng pagmamahal.
"I am here for love. I share this stage with all of you. We are present and not at the farthest of reaching," saad ng aktres.
"Love, they say, is intangible, but it is evidently present here tonight. Thank you and let's continue to share the love," dagdag pa nito.
Matatandaang pinangunahan din ng bagong pangulo ng Senate Spouses Foundation Inc. ang pamamahagi ng mga relief goods para sa mga biktima ng Bagyong Carina sa nasabing lungsod.
Maraming netizens naman ang nagpakita ng suporta sa pagiging aktibo at inclusive ni Heart sa kanyang binitawang mensahe bilang speaker ng event.
Comments