HEART, KUMANTA SA GINAGAWA 'PAG NAG-AAWAY SILA NI GOV. CHIZ
- BULGAR

- Feb 26, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 26, 2021

Naaliw at natawa kami sa kuwento ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa tsikahan nila ng kaibigang si Dra. Aivee Teo.
Natanong kasi ng doktora si Heart kung nag-aaway at nagkakatampuhan din ba sila ni Sorsogon Governor Chiz Escudero. Sino ang unang nagso-sorry after a fight?
Sey ni Heart, kapag galit siya ay tahimik lang at hindi siya confrontational. Basta hindi lang niya kinakausap at iniimik si Chiz at tinutulugan na lang niya kapag bad mood siya sa kanyang mister.
Pero, kapag malamig na pareho ang kanilang ulo, saka nila pinag-uusapan ang mga bagay na hindi nila mapagkasunduan. At 'yun ang sikreto kaya wala silang major fight na nagtatagal. Tahimik nilang inaayos ang kanilang problema.





Comments