Health workers, tiyaking pasok sa unang matuturukan kontra COVID-19
- BULGAR

- Jan 5, 2021
- 1 min read
Updated: Jan 8, 2021
@Editorial | January 5, 2021
Mahigit 150 iba pang health workers ang tinamaan ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.
Sa report ng Department of Health (DOH), hanggang noong Enero 2, ay aabot na sa 13,660 ang kabuuang bilang ng mga health workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19.
Ang mga nurses ang siyang may pinakamaraming bilang ng COVID-19 sa kanilang hanay na may 4,831 infections, na sinundan ng mga doktor na may 2,246, nursing assistants na may 1,017, medical technologists na may 677, at midwives na may 461 cases.
Habang mahigit 600 iba pang non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff ang kasama rin sa tally ng ahensiya.
Ang mga nasabing bilang ay patunay na hindi sila ligtas sa banta ng COVID-19 sa halip, mas lantad pa sa sakit. Kaya patuloy ang panawagan sa gobyerno na tutukan ang kanilang mga pangangailangan laban sa virus at iba pang karamdaman.
Higit sa lahat, manatili sana silang nasa listahan ng mga unang mabibigyan ng bakuna laban sa COVID-19. Marami nang buhay ang nawala sa kanilang hanay, sana naman ay hindi na madagdagan.
Muli, tayo’y nagpapasalamat sa lahat ng frontliners, ang ating mga bayani sa gitna ng pandemya. Hindi masusuklian ng anumang halaga ang inyong kabayanihan.



Comments