top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Health workers na buwis-buhay nu’ng pandemic, ‘di pa rin bayad?! grabe!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 11, 2023


KAPAG UMABOT SA P60 ANG PINAKAMABABANG PER KILO NG BIGAS, IBIG SABIHIN PALPAK DIN ANG ITINALAGA NI P-BBM NA DA SEC -- Inanunsyo ng grupong Bantay Bigas na dahil sa pagtaas ng presyo ng mga imported rice at mahinang ani ng mga palay sa bansa, posibleng umabot daw sa P60 ang pinakamababang per kilo ng bigas sa ‘Pinas.

 

Kapag nangyari ‘yan, isa lang ang ibig sabihin n’yan, palpak din ang itinalaga ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na kalihim ng Dept. of Agriculture (DA) na si Sec. Francisco Tiu Laurel, boom!

◘◘◘

 

MGA NANANAWAGAN KAY VP SARA NA MAG-RESIGN SA DEPED, SUPALPAL SA SURVEY NG OCTA RESEARCH GROUP – Supalpal ang inabot ng ilang personalidad na nanawagan kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na mag-resign na bilang kalihim ng Dept. of Education (DepEd).

 

Sa inilabas kasing resulta ng survey ng OCTA Research Group ay ang DepEd na pinamumunuan ni VP Sara ang nakakuha ng mataas na grado bilang “Most Trusted and Top Performing Government Agency”. 

 

Ibig sabihin n’yan, may ibubuga naman pala si VP Sara bilang DepEd sec., palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

 

ITINAYA NG MGA HEALTH WORKER ANG KANILANG BUHAY SA PAGLABAN SA COVID-19, TAPOS AYAW BAYARAN NG GOBYERNO -- Sabi ni Sec. Ted Herbosa ng Dept. of Health (DOH) na ang hindi pa naibibigay na emergency health allowance ng mga health worker na naglingkod noon sa paglaban sa COVID-19, ay maibibigay na raw ng DOH sa year 2026.

 

Pambihira naman, eh bakit ang tagal?

 

Mantakin n’yo, itinaya ng mga health workers ang kanilang buhay sa paglaban sa COVID-19, tapos sa oras ng bayaran na sa kanilang serbisyo sa panahon ng pandemic, ayaw na silang bayaran, nangako na naman ang pamahalaan na sa year 2026 na raw sila mababayaran, tsk! 

◘◘◘

 

MAGAWA KAYA NI BICOL REGION POLICE DIRECTOR GEN. ANDRE DIZON NA BANGGAIN ANG  MGA MAIIMPLUWENSYANG GAMBLING LORDS SA BICOL? -- May bagong police regional director na ang Bicol region sa katauhan ni Brig. Gen. Andre Dizon.

 

Isa ang Bicol region sa mga rehiyon sa bansa na may maraming gambling lords na may mga raket na STL-con jueteng, lotteng, drop balls, color games at sakla.

 

Tingnan nga natin kung kayang banggain ni Gen. Dizon ang mga maiimpluwensyang gambling lords sa Bicol, abangan!

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page