top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Health protocols, bantay-sarado sa pagdagsa ng mga turista

BULGAR
Mar 23, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 23, 2022


Walang dapat ipangamba ang publiko.

Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) habang nalalapit ang pagbubukas ng bansa sa mas marami pang turista, kung saan ipatutupad pa rin umano ng pamahalaan ang safety protocols kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pinag-aralang mabuti ng mga eksperto ang desisyon na payagan pa ang pagdating ng mas maraming bakasyunista sa bansa, gayundin, patuloy aniyang magbabantay ang kagawaran sa magiging sitwasyon sa mga susunod na buwan.

Patuloy din umanong paiigtingin ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mamamayan para protektahan ang mga ito laban sa sakit.

Habang magandang balita na kaya na nating magpapasok ng mas maraming turista, panawagan natin na sana’y talagang mabantayan ang sitwasyon at matiyak na walang makakalusot na bagong variant ng COVID-19 kahit pa nilinaw ng DOH na wala pang naitatalang kaso ng Deltacron variant ng COVID-19 sa bansa.

Mas mabuti nang maging handa tayo kaysa biglang maghigpit ‘pag may hawahan ulit dahil iniiwasan natin ang paglaban-bawi ng mga restriksiyon dahil naaapektuhan ang kabuhayan at ekonomiya.

Kaya ngayong kinakaya nating magluwag at makabawi, kailangang mas maingat tayo.

Siyempre, hindi lang naman ang mga dayuhang turista ang dapat nating tutukan dahil ang mga kababayan nating bumabiyahe ngayong summer season ay kailangan ding bantayan.

Pakiusap lang sa mga lokal na pamahalaan, bantayang mabuti ang inyong nasasakupan. Tungkulin n’yong matiyak na sumusunod ang lahat sa health protocols sa iyong lugar— residente man o turista, at anumang alert level ang umiiral.

Para naman sa lahat ng mga nagbabakasyon, ‘wag kayong abusado. Tandaan na obligasyon ng bawat isa na maging disiplinado at ‘wag magpasaway kahit saan pumunta.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page