Search
  • BULGAR

Hatian ng magkakapatid sa mana ng namayapang ina

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 25, 2020


Dear Chief Acosta,

Last year ay pumanaw ang aking ina at mayroon siyang naiwan na kaunting ari-arian. Nag-usap kaming lahat na magkakapatid at napagkasunduan namin kung paano ito hatiin. Ang problema lamang ay hindi ako makapirma sa dokumento kung saan nakasulat ang kasunduan namin dahil sa kasalukuyan ako ay nasa ibang bansa. Makakaapekto ba ito sa bisa ng aming kasunduan? – Joey

Dear Joey,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay ng ating Korte Suprema sa kasong Victoria T. Fajardo vs. Belen Cua-Malate (G.R. No. 213666, March 27, 2019, Ponente: Honorable Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa) kung saan ipinaliwanag na:


    “The fact that petitioner Victoria failed to sign the written document bearing the terms of the parties' agreement is of no moment. As explicitly held in Vda. de Reyes v. Court of Appeals, an oral partition may be valid and binding upon the heirs; there is no law that requires partition among heirs to be in writing to be valid.
    
    Citing Hernandez v. Andal, the Court in the above-mentioned case explained that under Rule 74, Section 1 of the Rules of Court, "there is nothing in said section from which it can be inferred that a writing or other formality is an essential requisite to the validity of the partition. Accordingly, an oral partition is valid....

Ayon sa nabanggit na desisyon at sa umiiral na batas sa kasalukuyan, ang partition o napagkasunduang paghahati ng mga minanang ari-arian ay hindi kinakailangang nakasulat upang magkaroon ito ng bisa. Samakatwid, ang hindi ninyo pagpirma sa nasabing dokumento kung saan nakasaad ang napagkasunduan ninyo tungkol sa hatian ng inyong mana ay maaaring walang magiging epekto sa inyong napagkasunduan.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainsm kung personal kayong sumagguni sa isang abogado.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.