top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Harurot ng arangkada ng Dyip o matinding kuryente ng Bolts?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2024
1 min read

ni Clyde Mariano @Sports | April 3, 2024





Matapos ang dalawang linggong pahinga at bigyang daan ang All-Star Games sa Bacolod City,  pagdiriwang ng 50th anniversary ng PBA at gunitain ang Holy Week, muling babalik ang mga manlalaro at ipagpapatuloy ang  mainit na labanan sa Philippine Cup ngayon sa Smart Araneta Coliseum.


Maghaharap ang Terrafirma Dyip at Meralco Bolts sa unang laro ng 4:30 pm. at susundan ng sagupaan ng Rain or Shine at wala pang panalong Converge Fiberxers ng 7:30 pm.


Sa labanan ng Bolts at Dyip, pinapaboran ang Bolts vs. Car Makers dahil malalim ang bench sa pangunguna ng deadly trio nina Allein Maliksi, Chris Newsome at John Kier Quinto na aalalayan nina Cliff Hodge, Aaron Norman Black, Chris Banchero, Jose Antonio Caram at Raymar Jose.


Kahit pinapaboran, hindi pa rin dapat magkumpiyansa si coach Luigi Trillo. Kailangan ng players na maglaro nang husto upang maiwasan ang upset at palakasin ang quarterfinals campaign kontra sa pagharurot ng Dyip na kanilang tinalo, 109-102 sa Commissioner’s Cup.


Nasa pang-apat ang Dyip hawak ang kartadang 3-2 at dala ng Bolts ang 2-3 record. Parehas nanalo ang Bolts at Dyip sa huli nilang laro at kapwa mataas ang morale at fighting spirit. Tinalo ng Bolts and RoS sa overtime, 121-117, at nanalo ang Dyip sa erstwhile undefeated Blackwater, 92-91.


Sa kabila naman ng panalo sa huling laro matapos matalo ng apat na sunod, hindi pa rin nakasisiguro ang RoS sa Converge at kailangang maglaro nang husto ang mga bata ni coach Yeng Guiao para matiyak ang panalo sa Fiberxers na determinadong putulin ang limang sunod na talo. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page