top of page

Happy together sa HK at Taiwan… DUSTIN AT BIANCA, INILANTAD NA ANG RELASYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni John Jonathan Talastas (OJT) @Special Article | April 9, 2026



Dustin Yu at Bianca De Vera - Instagram

Photo: Dustin Yu at Bianca De Vera - Instagram



May pasabog ang tambalang Dustin Yu at Bianca De Vera matapos nilang magbahagi ng tila “hard launch” sa kanilang social media post dahil sa mga sweet snaps nila mula sa kanilang trip sa Taipei, Taiwan. 


Sa Instagram, nag-post si Bianca ng ilang larawan at video habang ine-enjoy ang mala-postcard na ganda ng Qingtiangang Circular Trail. Kabilang sa mga eksena ang nakakakilig na piggyback ride kung saan makikitang tila sobrang komportable ang dalawa sa isa’t isa. May pahawak-hawak pa si Bianca sa mata ni Dustin habang nagtatawanan.


Caption ni Bianca: “It’s so beautiful here.”


Simple lang ang hirit nito pero ramdam ang saya.


Ang lalong nagpasabog sa saya ng mga fans ay nang magbahagi rin si Dustin ng halos kaparehong mga larawan at nilagyan ito ng caption na: “Beautiful nga,” na nagpakilig sa mga netizens at hindi mapigilang magbiro na baka raw ito ay “prenup” na.


Komento nila… “Prenup shoot po ba ‘to??!! Char!”


“Stay happy, stay in love. You deserve your freedom DB (Dustin and Bianca).” 

“Beautiful place, beautiful people.”


Bukod pa riyan, napansin din ng mga netizens na magkasama ring bumiyahe ang dalawa sa Hong Kong noong April 4, dahilan para lalo pang uminit ang espekulasyon na may namamagitan na sa PBB couple. 


Matatandaang nagsimula ang kilig ng dalawa sa loob ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 1.0 kung saan sila ang naging final duo at isa sa pinakasikat na “ships” sa Bahay ni Kuya


Mula noon, hindi na sila mapaghiwalay sa mga ganap — mapa-birthday greetings, travel sa Vietnam at Hong Kong, hanggang sa kanilang mga proyekto tulad ng The Secrets of Hotel 88 at Love You So Bad.


Bagama’t wala pang diretsahang pag-amin mula kina Dustin at Bianca, hindi mapigilan ng kanilang mga followers ang kiligin at mag-isip, may something na nga ba sa kanilang dalawa?


Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawa. Pero sa bawat post at ganap nila, parang sila na mismo ang nagbibigay ng clue.





Magkasundo lang para sa anak…

MAX AT PANCHO, WALANG PAKIALAMAN SA LOVE LIFE



Mas gumagaan na umano ngayon ang samahan ng dating Kapuso couple na sina Max Collins at Pancho Magno. Bukod pa riyan, mas madalas na rin silang magkita sa tuwing may special occasion ang anak nilang si Skye.   


Sa latest chikahan ni Max sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng aktres na mas maayos na ngayon ang kanilang relasyon ni Pancho bilang co-parents ni Skye. Kahit hiwalay na, marunong pa rin daw silang mag-adjust at magbigay-daan para sa isa’t isa, lalo na pagdating sa kapakanan ng kanilang anak.


Ayon kay Max, madalas silang magkita ni Pancho tuwing may espesyal na ganap si Skye tulad ng birthday at school events. At kapag may family trips naman ang aktor, ipinauubaya muna niya ang anak.


"Kapag may event talaga s’ya with the family, I give way. And he'll give way for me also."


Pero may isang bagay na tila “off-limits” sa kanilang dalawa — ang kani-kanilang love life. 


Sey ni Max, napagkasunduan nilang huwag na itong pag-usapan bilang respeto sa isa’t isa at para na rin sa kapakanan ni Skye.


“I think it's because out of respect, ayaw naming masyadong makialam.”

Sa halip na ungkatin ang nakaraan o makialam sa personal na buhay ng isa’t isa, mas pinipili raw nilang ituon ang atensiyon sa pagpapalaki kay Skye sa isang maayos at peaceful na environment.


In fairness, mukhang effective ang kanilang setup dahil ayon kay Max, masaya at kalmado ang kanilang anak sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pamilya. Marunong na rin daw umintindi si Skye at tinatanggap nito ang kanilang arrangement.


"I guess sa pagpapaliwanag 'yan. So, he thinks it's cool, in his mind. And I think it's all important, kung ano 'yung perspective ng bata aside from ano 'yung perspective ng lahat."


Dagdag pa ng aktres, kapag may mahahalagang desisyon tungkol sa anak, hindi nawawala ang komunikasyon nila ni Pancho — patunay na kahit hindi na sila mag-partner sa buhay, solid pa rin sila bilang magulang.


Sa kabila ng kanilang pinagdaanan, mukhang natagpuan na nina Max at Pancho ang tamang timpla—hindi bilang mag-asawa, kundi bilang responsableng magulang kay Skye.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page