top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Happy sa Pasko, mga kawani ng mga senador, pero maralitang Pinoy magpa-paskong tuyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 8, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | November 8, 2023


SISTEMA NG PULITIKA SA ‘PINAS, NA KAPAG WALA NA SA POWER ANG EX-PRESIDENT KAKALABANIN NA ITO PARA SUMIPSIP SA BAGONG PANGULO --Ang mga kongresistang pro-Duterte noong nasa power pa si ex-P-Duterte ay mga anti-Duterte na ngayon, kinakalaban na nila ang ex-president porke wala na ito sa power.


Ganyan talaga ang sistema ng pulitika sa ‘Pinas, kinakalaban na ng mga pulitiko ang ex-president para sumipsip sa bagong nakaupong presidente, boom!


◘◘◘


KAPAG SI VP SARA ANG NAGING PRESIDENTE, MGA CONG. NA ANTI-DUTERTE, BABALIK SILA SA PAGIGING PRO-DUTERTE -- Sabi noon ni Sen. Imee Marcos, ang mga atake raw kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ay maaaring may bahid pulitika kasi si VP Sara ang frontrunner sa 2028 presidential election.


Kaya kung sakali na kumandidatong presidente si VP Sara sa 2028 presidential election at siya ang nagwagi, tiyak ‘yang mga kongresistang dating pro-Duterte at anti-Duterte na ngayon, ay magiging mga pro-Duterte uli, he-he-he!


◘◘◘


MGA KAWANI NG MGA SENADOR HAPPY SA PASKO, MGA MARALITANG PINOY MAGPA-PASKONG TUYO -- Inanunsyo ni Senate President Migz Zubiri na magiging happy ang Christmas celebration ng mga empleyado ng Senado dahil malapit na raw nilang i-release ang Xmas bonus ng mga kawani ng mga senador.


Sana, hindi na ibinida ‘yan ni Zubiri sa publiko kasi para pa niyang iniinggit ang mga maralitang Pinoy, na ang Pasko ng mga empleyado ng mga senador ay happy, habang ang mga mahihirap na kababayan na lalong naghihirap ngayon sa mahal ng presyo ng mga bilihin ay magpa-Paskong tuyo, tsk!


◘◘◘


MAY CONFLICT OF INTEREST SA NEGOSYO NI LAUREL ANG PAGIGING DA SEC NIYA – Bagama’t nagustuhan ng publiko ang pagbitiw ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) sa posisyong secretary ng Dept. of Agriculture (DA), hindi naman nagustuhan ng mamamayan na ang itinalaga niyang DA secretary ay si fishing tycoon Francisco Tiu Laurel.


Ang dahilan ng mga tutol sa pagiging DA head ni Laurel ay dahil sa “conflict of interest” sa kanyang negosyo at pagiging sec. ng DA.


Oo nga ‘no, malinaw na may “conflict of interest” nga ito, kasi ang isa sa negosyo ni Laurel ay may kinalaman sa pangingisda, tapos siya ang DA sec. na may kontrol sa industriya ng pangingisda sa bansa, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page