Happy na sama-sama together… POPS AT MGA ANAK, KASAMA SI MARTIN AT ANAK SA IBA SA FAMILY PHOTO
- BULGAR

- Dec 26, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | December 26, 2020

Isa sa pinakamagandang family photo na lumabas noong Christmas ay ang family picture nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pinag-isipan ang concept ng photo shoot kaya maganda ang dating.
Comment nga ng isang DongYan fan, parang Hallmark Christmas card ang datingan ng photo shoot nina Dingdong at Marian at mga anak na sina Zia at Ziggy.
Napapanahon din ang caption ni Dingdong sa family photos nila na “Sending some love and happiness from our family to yours this Holiday Season. May you and your loved ones stay safe, strong and healthy as we welcome the coming year with much hope and prayers for abundance, peace and joy.”
Speaking of family photo ng mga celebrities, sa family photo nina Erich Gonzales, hindi ang pamilya niya ang kanyang kasama kundi si Enchong Dee. Best friends ang dalawa at pamilya na ang turing sa isa’t isa, kaya hindi ito kataka-taka.
Touching naman ang family photo nina Pops Fernandez at mga anak na sina Robin at Rams dahil kasama si Martin Nievera at ang anak nitong si Santino. Kasama rin sa picture ang loyal at trusted P.A. ni Pops na kasama na niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Si Jackie Forster, kasama naman sa family photo ang mga anak na sinaAndre at Koko Paras.
Sa family photo nina John Estrada at asawang si Priscilla Meirelles, kasama ang mom ni John at mga anak nina John at Janice de Belen.





Comments